Women’s Grandmaster Frayna, nakiusap na suportahan ang PH chess team

Emosyonal na nakiusap si Women’s Grandmaster (GM) Janelle Mae Frayna na suportahan imbes na batikusin ang mga miyembro ng Philippine Chess Team na diniskwalipika ng International Chess Federation or Fédération Internationale des Échecs (FIDE) sa katatapos na FIDE Online Olympiad.

 Batay sa isinagawang imbestigasyon ng 8-person FIDE panel, napatunayang nandaya ‘violation in rules of fair play’ ang isang batang miyembro ng 12-person Philippine Team kung kaya’t ibinaba ang disqualification ng buong team.

Kagyat namang umapela ang National Chess Federation of the Philippines (NCFP) sa FIDE, ngunit ibinasura lamang ito at pinatawan ng suspension sa online gaming ang naturang player ng tatlong buwan, ngunit maari itong makalaro sa over-the-board tournament.

“Masakit po sa amin, higit po sa akin itong nangyari. Nasayang po ang pinaghirapan namin at nayurakan ang reputasyon ng Team Philippines dahil sa pagkakamali ng isang player. Na-DQ [disqualify] na ang team, puro bash pa ang natatanggap namin sa social media kaya, talagang masakit tanggapin,” pahayag ng 21-anyos na si Frayna, ang kauna-unahang Pinay na nakakuha ng GM title, sa kanyang pagbisita sa ‘Usapang Sports’ via Zoom ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS).

“Actually, hindi ko personal na kilala ‘yung player. Bata pa kasi siya at hindi ko rin na-experience na makalaro, kaya hindi ko masabi kung ano ‘yung caliber niya sa laro. Gayunman, as a team pinaghirapan namin ‘yung bawat laro. Nasa podium finish na kami until this incident happened,” aniya sa program na itinataguyod ng GAB, Philippine Sports Commission, at PAGCOR.

“Huwag na po sana ninyo kaming husgahan. Kami po kasama ng mga beteranong players ang nagsakripisyo ng mahabang taon para makamit namin ang kinalalagyan namin sa ngayon. Suporta po ang kailangan namin, hindi paninira,” ani Prayna.

Tumapos ang Team Philippines sa ikalawang puwesto sa Pool A sa likod ng Indonesia. Batay sa regulasyon, uusad sa top division ang tatlong nangungunang koponan sa pool elimination. Sa pagkadiskwalipika ng Pilipinas, pinalitan sila ng Australia at Shenzhen, China.

Iginiit ni NCFP Secretary General at delegation head Grandmaster Jayson Gonzales na walang timbang ang laro ng naturang player, na dahil isang minor ay tumanggi ang opisyal na pangalanan.

“Parang nagpakitang-gilas lang itong players. First time niya kasing maging member ng National Team. Hindi namin inapela ‘yung parusa sa kanya, ‘yung sa team ang hinabol namin, pero ‘yun na talaga ang desisyon ng FIDE,” aniya.

Ayon din kay Gonzales, binubuo ng mga scientist at mathematician ang FIDE panel na nag-imbestiga kung kaya’t walang kawala ang sinumang gagawa ng pandaraya sa online tournament.

“Mahigpit ang FIDE diyan. Hindi lang tayo, maraming players sa buong mundo ang naparusahan dahil sa pandaraya sa online game,” aniya.  (GAB) – jlo

Popular

PBBM honors fallen airmen of ill-fated Super Huey chopper

By Brian Campued In honor of their sacrifice in the line of duty, President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday paid his respects to the...

‘State of Nat’l Calamity’: DTI sets 60-day price freeze, GSIS opens emergency loan

By Brian Campued Following President Ferdinand R. Marcos Jr.’s declaration of a “State of National Calamity” due to the impact of Typhoon Tino and in...

PBBM orders release of P1.3 trillion budget to boost social services, disaster recovery efforts

By Dean Aubrey Caratiquet Consistent with the government’s efforts to uplift Filipinos’ lives even in the face of calamities, President Ferdinand R. Marcos Jr. directed...

PBBM orders preps for incoming storm, probe into other causes of massive floods in Visayas

By Dean Aubrey CaratiquetWith an upcoming storm set to enter the Philippine area of responsibility (PAR) within the next few days, President Ferdinand R....