Yugto Creations CIW Livelihood Products, ang kauna-unahang online shop ng mga PDLs ng CIW pormal nang binuksan sa publiko

Dec 10,2020- Pormal nang binuksan sa publiko ang YUGTO CREATIONS, CIW LIVELIHOOD PRODUCTS, ang kauna-unahang online shop ng mga Persons Deprived of Liberty o PDLs ng Correctional Institution for Women (CIW)sa Mandaluyong City.

Ang naturang konsepto ng pagkakaroon ng online shop ng mga PDLs ay mula sa inihandog na marleting plan ng mga estudyanteng sina Vea Jane Estrada at Joan Isabel Dela Cruz, ng UST Graduate School (USTGS) sa CIW.

Dumalo sa naturang makasaysayang okasyon sina PTV General Manager Katherine Chloe De Castro, PTV GAD Chairperson Philip Joel Evangelista, Mr. Bryan Limen, representante ni USec. Raquel Tobias mula sa Office of the Undersecretary for Broadcasting and Mass Media, PCOO, CTSupt Virginia S Mangawit Acting Superintendent, CIW, CTInsp Kristine B Cenal, DMD Deputy Superintendent for Reformation, C01 Maricel Berongoy, OIC, Works and Livelihood.

Nakiisa rin sa okasyon sina PTV GAD Vice-Chairperson Regina Celestre, PTV GAD Execom Member Elizabeth Cachin at PTV GAD TWG Member Kate Marielle Balueta.

Kabilang din sina Louisa Erispe, Sangre Ordiz at Jason Palisoc ng PTV News team sa mga sumaksi sa pagbubukas ng online shop.

Isang Memorandum of Understanding ang nilagdaan ng USTGS,PTV at CIW na pormal nang nagbibigay ng buong Marketing Plan at Starter kit upang agad- agad na masimulan ng PDLs at ng CIW ang operasyon ng Yugto Creations.

Nagbigay din ng mensahe si Dr. Jenny Ortuoste ng USTGS at naghanda naman ng orientation video ang PTV DMIS/New Media upang magsilbing gabay ng mga PDLs at CIW sa kanilang gagawing pag- mamanage sa kanilang online shop.

Bukod dito ay namahagi din ng face masks, alcohol, at 400 DOH Bida Solusyon hygiene kits si USec. Raquel Tobias sa pamamagitan ng kanyang opisina, ang Office of the Undersecretary for Broadcasting and Mass Media.

Ang Yugto Creations CIW Livelihood Products ay tiyak na malaking tulong sa mga PDLs na walang ibang pagkukunan ng konting kita kundi ang makapagbenta ng kanilang sariling gawang mga produkto tulad ng bags, wallets, Christmas Items at iba pa.Makikita rin ang Yugto Creations sa Shopee. Kaya’t ating suportahan ang Yugto Creations CIW Livelihood Products sa pamamagitan ng pag like and share ng Facebook Page at pagbili ng produkto. (Elizabeth Cachin)

 

 

 

 

 

Popular

PBBM expects operational Metro Manila subway by 2028

By Dean Aubrey Caratiquet On the heels of an earlier event where he graced the official launch of the 50% train fare discount for senior...

Surveys won’t affect PBBM’s commitment to serve —Palace

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. remains unfazed and focused on working to address the needs of the Filipino people, Malacañang said, underscoring...

Palace tackles updates on upcoming PBBM SONA, issues response on timely issues

By Dean Aubrey Caratiquet At the Malacañang press briefing this Tuesday, July 15, Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary and Palace Press Officer Claire Castro discussed...

PBBM OKs proposed P6.793-T budget for 2026 —Palace

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. has approved the proposed P6.793 trillion national budget for 2026, Malacañang announced Tuesday. In a press briefing, Palace...