LTFRB PR
MAYNILA — 1,354 na Traditional at Modernized Public Utility Jeepney (PUJ) drayber sa NCR ang pumirma na ng kontrata upang mapabilang sa Service Contracting Program, at opisyal nang mino-monitor ng Systems Manager ng programa base sa kabuuang kilometrong kanilang binibiyahe.
Ang ating mga drayber ng Traditional at Modernized jeepney ay handa nang magbigay ng mas pinabuti, mas maaasahan at ligtas na pampublikong transportasyon para sa mga pasahero!
Ang Service Contracting Program ng DOTr at LTFRB ay isinasagawa alinsunod sa Republic Act No. 11494, o mas kilala bilang Bayanihan to Recover As One Act, upang makapagbigay ng karagdagang kita sa mga drayber ng jeep at bus.
Ang mga drayber na bumibiyahe ngayon ay sumailalim sa oryentasyon na pinamunuan ng LTFRB at ng Systems Manager upang mas maintindihan ang saklaw ng Service Contracting Program.
Paalala sa mga drayber na kung hindi pa nakaka-download ng LTFRB Drivers App, puntahan lamang ang link na ito: go.sakay.ph/driver upang ma-download ang opisyal na Mobile Application para sa mga drayber. Ugaliing nakalog-in ang inyong LTFRB Drivers App upang kayo ay ma-monitor ng ating Systems Manager.
Para sa mga kwalipikadong drayber na nagrehistro sa Service Contracting Program, maari lamang na antabayanan ang aming confirmation text kung ang application niyo ay approved.
Regular na bisitahin ang Official Facebook Page ng LTFRB para sa iba pang impormasyon at anunsyo kaugnay ng Service Contracting Program. Maaari ring tumawag sa LTFRB Program Implementing Unit Office – (02) 8529 – 7111 loc 845 para sa mga katanungan tungkol sa Service Contracting Program.