Pay rules para sa May 13 inilabas

By DOLE via Kenneth Paciente – PTV News

Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer sa pribadong sektor na ipatupad ang tamang panuntunan sa pagpapasuweldo sa kanilang mga manggagawa na magtatrabaho sa Mayo 13, 2019.

Batay sa Labor Advisory No. 07, series of 2019, sinabi ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III na ang mga empleyadong magtatrabaho sa Mayo 13 ay karapat-dapat na makatanggap ng karagdagang 30 porsiyento ng kanilang arawang suweldo. Sa ilalim ng Proclamation No. 719 na inisyu ni Pangulong Rodrigo Duterte ang araw ng Lunes ay isang special non-working holiday upang bigyang daan ang publiko na magampanan ang karapatan nilang bumoto sa gaganaping mid-term local at national election.

Bilang patnubay sa mga employer at mga manggagawa, itinatakda ng kagawaran ng paggawa ang mga sumusunod na panuntunan sa pagpapasuweldo:

Kung ang empleyado ay hindi nagtrabaho, ang patakaran na ‘no work, no pay’ ang dapat gamitin maliban lamang kung may polisiya ang kompanya o collective bargaining agreement (CBA) na nagtatakda ng kabayaran para sa special holidays.

Ang patakaran para sa mga nasabing holidays para sa ginampanang trabaho, dapat bayaran ang empleado ng karagdagang 30% ng kanyang arawang sahod para sa unang walong oras o [(Arawang Sahod x 130%) + COLA].

Habang ang trabahong ginampanan ng mahigit sa walong oras (overtime), siya ay dapat bayaran ng karagdagang 30% ng kanyang orasang kita o [(Orasang kita ng kanyang arawang sahod x 130% x 130% x bilang ng oras na trinabaho)].

Para sa trabahong ginampanan para sa mga nasabing araw na siya ring araw ng pahinga ng empleado, dapat siyang bayaran ng karagdagang 50% ng kanyang arawang kita para sa unang walong oras, o [(Arawang sahod x 150%) + COLA].

Samantalang para sa trabaho na mahigit sa walong oras (overtime) na siya ring araw ng pahinga ng empleado, siya ay dapat bayaran ng karagdagang 30% ng kanyang orasang kita, o [(Orasang kita ng kanyang arawang sahod x 150% x 130% x bilang ng oras na trinabaho)].

Popular

PBBM: Oil excise tax suspension to depend on oil trends

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Wednesday said the possible suspension of excise tax on oil products...

PBBM seeks collab with women legislators to promote gender equality

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Tuesday sought closer cooperation with female lawmakers to advance women’s rights...

Palace calls on leaders to prioritize Filipinos’ welfare amid Middle East crisis

By Dean Aubrey Caratiquet Echoing earlier calls to avoid fear-mongering amidst rising oil prices arising from the ongoing tensions in the Middle East, Malacañang called...

No need for nat’l emergency, PBBM on top of oil situation —Palace

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency There is no need for President Ferdinand R. Marcos Jr. to declare a state of national emergency...