PR
NAIA, Pasay City – Isa na namang driver ng white taxi ang hinuli ng magkasanib pwersa ng Terminal 3 at Terminal 1 units ng Airport Police Department matapos nitong singilin ng P6, 000.00 ang isang Chinese national at mga kasama nito kahapon. Dumulog si Bb. Wang Wei sa opisina ng Terminal 1 police para ireklamo ang driver na nakilalang si Eugene del Rosario.
Ayon kay Wang Wei, pagdating mula Dumaguete bandang alas dos ng hapon kahapon, siya at dalawa pa niyang kasama ay sumakay sa white taxi na may plate number TXV 149 mula NAIA Terminal 3 papuntang Terminal 1. Sinabihan sila diumano ni Del Rosario na ang babayaran nila ay P2,600 ayon sa “meter rate” na hawak nito. Ayon din kay Wang Wei, binigyan na lang sila ng discount at siningil na lamang ng P6000.00. Dahil walang nagawa at sa takot na maiwanan ng flight pabalik ng China, binayaran na lamang nila ang anin na libong piso at saka nagtungo sa opisina ng T1 Terminal police para magreklamo.
Sa pakikipag ugnayan ng T1 Police sa T3 Police unit, agad nai-alarma ang plate number ng taxi na naging dahilan sa pagkakahuli ng inireklamong driver na si Eugene Del Rosario bandang alas kwatro ng hapon habang ito ay nakapila sa taxi lane ng NAIA Terminal 3 at nag aantay ng posible nitong susunod na biktima.
Ng mahuli ng mga awtoridad, hawak pa ni Del Rosario ang anim na libong piso na ibinayad sa kanya ng grupo ni Bb. Wang Wei. Napag alaman din na si Del Rosario ay nahuli na nuong Hulyo 8, 2019 dahil sa illegal parking at kumpiskado ang lisensya nito at nagmamaneho gamit lamang ang Official Violation Receipt (OVR).
Ang P6,000.00 na narekober sa driver ay nasa pag iingat ngayon ng Police Intelligence and Investigation Division (PIID) at inaantay ang pagbalik ni Bb. Wang Wei para sa kanyang formal complaint affidavit na gagamiting basehan upang masampahan na ng reklamo ang driver na si Eugene Del Rosario.
Nagpasalamat naman si MIAA General Manager sa bilis ng aksyon ng Airport Police Department sa pamumuno ni Col. Rizaldy Matito at mga tao nito.