Pasado na sa House Committee ng Ways and Means ang House Bill No. 1026. Ito’y naglalayong patawan ng mas mataas na buwis ang alcohol products. Ang kikitain dito ang siyang magpopondo sa Universal Health Care Law at iba pang programang nakapaloob sa proposed 2020 national budget alinsunod sa inisyatibo ni Pangulong Rodrigo Duterte.
