Pangulong Rodrigo Duterte nakabalik na sa bansa pagkatapos ng kanyang ika-5 state visit sa China, kung saan ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, napag-usapan ng Pangulo at Chinese President Xi Jinping ang pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea, partikular ang pag-respeto sa maritime navigation at overlight sa nasabing dagat.
