POEA, naglabas ng babala sa OFWs sa alok na trabaho mula sa third country

Pinayuhan kahapon ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mga manggagawang Filipino na kasalukuyang nagtatrabaho sa ibang bansa na mas maging maingat sa pagtanggap ng alok na trabaho mula sa ibang bansa.

Nakatanggap ng report ang POEA na may mga Filipino household service workers (HSWs) sa Hong Kong, Singapore at Cyprus ang inaalok na lumipat sa ibang bansa tulad ng Dubai, Mongolia, Turkey at Russia ngunit sa kinalaunan kanilang malalaman na hindi pala maganda ang kondisyon ng kanilang trabaho, o ang malala ay hindi pala totoo ang alok na trabaho.

Ang mga nagre-recruit ay mula sa mga third country na may mga kasabwat na Filipino sa kanilang iligal na gawain.

May mga natanggap na report na may mga manggagawang nabiktima at nagbayad ng malaking halaga at nag-biyahe sa mga third country gamit ang tourist visa at walang katiyakan na may employer na naghihintay sa kanila.

May natanggap din na report na may mga nakahanap na trabaho subalit sila ay nakakaranas ng pang-aabuso mula sa kanilang employer, at ang kawawang manggagawa dahil sa kakulangan ng tamang dokumento ay inaaresto at pinade-deport ng immigration authorities.

Ang pagre-recruit sa pamamagitan ng third country ay itinuturing na illegal recruitment kung ang recruiter o ang employer ay walang awtorisasyon mula sa pamahalaan ng Pilipinas.

Para sa kanilang pansariling proteksiyon, ang aplikante para sa trabaho sa ibang bansa ay nararapat na may wastong work permit o visa o employment contract na inaprobahan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) at prinoseso ng POEA bago sila umalis ng bansa. (DOLE-PR)

Popular

PBBM: Launch of new dairy farm to boost local milk production, supply

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday expressed optimism that the inauguration of the Farm Fresh Milk...

PBBM leads distribution of various aid to Aeta communities in Pampanga

By Brian Campued In celebration of the National Indigenous Peoples Month this October, President Ferdinand R. Marcos Jr. led the turnover of various forms of...

PBBM vows sustained recovery efforts in Cebu after deadly quake

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Thursday assured Cebuanos that the government will continue to provide assistance in Cebu as it reels...

PBBM to soldiers: Serve the citizenry, protect the homeland

By Dean Aubrey Caratiquet “Panata ito ng katapatan sa tungkulin at paninindigan para sa bayan.” At the oath-taking ceremony of 29 newly promoted generals and flag...