Oplan Lambat Bitag Sasakyan ng LTFRB, LTO, PNP-HPG, at LGUs, inilunsad sa buong bansa

LTFRB PR

Nagsagawa ng malawakang operasyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), kasama ang Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG), laban sa mga iligal o colorum na Public Utility Vehicle (PUV) ngayong araw, ika-02 ng Disyembre 2020.

Alinsunod ang operasyon sa Oplan Lambat Bitag Sasakyan ng PNP-HPG na layong labanan ang kriminalidad at pagpapanatili ng kaligatasan sa mga kalsada sa lahat ng rehiyon. Katuwang ng mga kawani ng LTFRB ang mga miyembro ng Highway Patrol group na nakabase sa mga regional at provincial highways, Land Transportation Office (LTO), at local government units (LGU).

Sa LTFRB Region I, sa ilalim ng liderato ni Regional Director Nasrudin Talipasan, sa Bauang, La Union, nahuli ang 21 na drayber dahil sa iba’t-ibang paglabag sa batas mula sa pagmamaneho nang walang Driver’s License hanggang sa hindi pagsusuot ng Face Shield.
Mahigpit din ang naging operasyon ng LTFRB Region II, sa pamumuno ni Regional Director Edward Cabase, sa Cauayan, Isabela kung saan nasita ng mga kawani ng ahensya at PNP-HPG ang 20 drayber.

Dalawang (2) PUV naman ang na-impound ng LTFRB Region III, sa pamumuno ni Regional Director Ahmed Cuizon, sa Angeles, Pampanga dahil sa paglabag ng kanilang CPC.
Nasakote rin ng LTFRB Region IV, sa ilalim ng liderato ni Regional Director Col. Renwick Rotaquio (ret.), ang limang PUV na iligal na nag-o-operate sa rehiyon.

Sa isinagawang operasyon ng LTFRB Region V, sa pamumuno ni Regional Director P/MGen Antonio N Gardiola Jr (Ret.), nahuli ang limang (5) colorum PUV sa Polangui, Albay. Isang colorum na UV Express na bumibiyahe mula Maynila papuntang Bicol Region rin ang nasakote ng mga awtoridad. Kasalukuyang naka-impound ang mga naturang sasakyan sa tanggapan ng LTFRB Region V.

Nakiisa rin sa Oplan Lambat Bitag Sasakyan ang LTFRB Region VI, sa pamumuno ni Regional Director Richard Osmeña. Natimbog din ng mga enforcers ang ilang colorum PUVs sa rehiyon.

Sa Zamboanga City, apat (4) na Public Utility Jeepneys (PUJs) naman ang nahuli ng LTFRB Region IX, sa pamumuno ni Regional Director Nonito Llanos III, dahil sa paglabag sa mga nakasaad na alituntunin sa kanilang Certificate of Public Convenience (CPC).

Nagsagawa rin ng malawakang operasyon sa buong rehiyon ang LTFRB Region X, sa pamumuno ni Regional Director Aminoden Guro, kung saan nahuli ang ilang colorum na PUVs.

Sa Davao City naman, limang (5) PUV ang nabigyan ng citation tickets ng LTFRB Region XI, sa ilalim ng liderato ni Regional Director Armand Dioso, dahil sa mga paglabag sa mga alituntunin ng kani-kaniyang CPC ng mga naturang operators.

Ang LTFRB-Caraga naman, sa ilalim ng pamumuno ni Regional Director Ma. Kristina Cassion, ay nagbigay ng 11 na citation tickets sa mga PUV operators dahil rin sa paglabag sa mga alituntunin ng kanilang CPCs. Habang apat (4) na trucks naman ang hinuli dahil ito ay iligal na tumatakbo sa daan o colorum.

Bukod sa mga paglabag sa mga patakaran ng LTFRB, hinuli ang ilang drayber dahil sa paglabag sa public health safety protocols. Muling pinapaalala ng ahensya na istriktong ipatutupad ang mga sumusunod na “7 Commandments” sa lahat ng pampublikong transportasyon, na ayon sa rekomendasyon ng mga health experts:

1) Laging magsuot ng face mask at face shield;
2) Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono;
3) Bawal kumain;
4) Laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga PUV;
5) Laging magsagawa ng disinfection;
6) Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19 sa pampublikong transportasyon; at
7) Laging sundan ang panuntunan sa physical distancing (“one-seat apart” rule).
Patuloy naman ang operasyon ng LTFRB, LTO, PNP-HPG, at mga LGUs laban sa mga colorum PUVs at pinapaalalahanan ang mga PUV operators at drivers na sumunod sa mga patakaran ng ahensya.

Popular

On Teachers’ Month, DepEd notes good news for teachers

By Brian Campued As the Philippines joins the global community in honoring the invaluable contributions of teachers in shaping the next generation’s leaders and professionals,...

Phivolcs identifies fault that caused magnitude 6.9 Cebu quake

By Brian Campued State seismologists have located the source of the powerful offshore earthquake that jolted northern Cebu and the rest of Visayas on Sept....

PBBM: Launch of new dairy farm to boost local milk production, supply

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday expressed optimism that the inauguration of the Farm Fresh Milk...

PBBM leads distribution of various aid to Aeta communities in Pampanga

By Brian Campued In celebration of the National Indigenous Peoples Month this October, President Ferdinand R. Marcos Jr. led the turnover of various forms of...