Press Release
Umaasa si Environment and Natural Resources Secretary Roy A. Cimatu na maisasabatas ang bill na humihiling na matanggal ang deadline para sa agricultural free patent application.
Ang Senate Bill (SB) 1931 na pumasa sa ikalawa at ikatlong pagbasa sa Senado noong Disyembre 15, 2020 ay isasailalim sa bicameral proceedings upang maisaayos ang ilang probisyon sa pagitan ng House of Representative counterpart measure House Bill (HB) 7440 at sa Senate version ng bill.
Ito ay pumasa din sa huli na pagbasa ng parehas na petsa matapos sertipikahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ito ay “urgent.”
Hinikayat ng Land Management Bureau (LMB) ng Department of Environment and Natural Reources (DENR) kasama ng DENR Legislative Affairs group at public advocacy organization na Foundation for Economic Freedom na ito ay maipasa upang mapadali ang pagproseso ng land titling sa bansa.
“We are elated that the Senate recognizes the importance of the passage of this bill. It has always been the desire of LMB to accelerate titling in the country and help our farmers secure their land titles,” saad ni Cimatu.
Ang bill ay humihiling ng mga pagbabago sa ilang probisyon ng Presidential Decree No. 1529 o ang Property Registration Decree, Commonwealth Act 141 na mas kilala rin sa Public Land Act at Republic Act 9176 upang mapadali at masaayos ang proseso sa land titling application para sa alienable at disposable agricultural lands.
“We encourage farmers to file applications over their untitled lands as soon as the bill is approved by the President. This is an opportunity to uplift their lives through land productivity,” sabi ni LMB Director Emelyne Talabis.
Ang filing ng agricultural free patent application ay nahinto noong Disyembre 31, 2020. Ayon sa DENR, muling tatanggap ng aplikasyon para sa agricultural free patent kapag ganap nang naging batas ang naturang bill.
Layunin ng SB 1931 na tanggalin ang Disyembre 31, 2020 deadline at iba pang ekstensiyon ng deadline ng agricultural land title applications upang ang mga magsasaka ay makapagrehistro anumang petsa.
Base na rin sa judicial confirmation ng imperfect titling, ang kinakailangang “period of possession” ay Hunyo 12, 1945 o mas maaga. Sa ilalim ng bill, binabawasan ito ng 30 taon bago ang filing ng petition for land registration.
Bukod dito, nakasaad sa bill ang 120 days para sa pagproseso ng free patent applications.
Tinatanggap naman ni LMB Director Emelyne Talabis ang hinihintay na pagpasa sa bill upang maisaayos ang malaking bilang ng mga untitled agricultural lands sa bansa.
Ayon pa kay Talabis, mayroong tinatayang 300,000 hectares ng untitled agricultural lands at inaasahan pa na tataas ito dahil na rin sa mga bagong released/classified lands.
Aniya, patuloy ang LMB sa pagtipon ng mas maraming “accurate land data” gamit ang Rapid Land Tenure Appraisal inventory approach ng DENR.
Inisponsoran ni Senator Richard Gordon, Chairperson ng Senate Committee on Justice and Human Rights ang naturang measure galing sa pinagsama-samang legislative proposals na kanyang inakda at ni Senator Sonny Angara.
Sa kabilang dako, ang HB 7440 ay inisponsoran ni Vicente “Ching” S. E. Veloso III, Chairperson ng House Committee on Justice.