LTFRB, LTO puspusan ang laban kontra-korapsyon

Puspusan ang ginagawang hakbang ng gobyerno upang sugpuin ang katiwalian at korapsyon sa sektor ng transportasyon.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) and Land Transportation Office (LTO), kabilang sa kanilang target ang pigilan ang paglaganap ng mga “fixer.”

Siyam na regional directors na ang nasibak sa ilalim ng termino ni LTFRB Chairperson Martin Delgra, kabilang na ang dalawang appointees sa administrasyong Duterte, dahil sa korapsyon.

Nagbabala naman ang LTO sa mga taong lumalapit at tumatangkilik sa serbisyo ng mga “fixer.”

“Hindi lang po administrative ang inyong kaparusahan kundi even criminal, at wala pong value ‘yung papel na nakuha niyo, o lisensya na nakuha niyo, kung idinaan po ito sa iligal na pamamaraan,” paalala ni LTO chief Assistant Secretary Edgar Galvante.

Nilinaw naman ng LTFRB na libre lang ang aplikasyon para sa provisional authority kung gagawin nang online.

Maging ang Department of Transportation (DOTr), kung saan kunektado ang LTO at LTFRB, puspusan din ang pagsugpo sa katiwalian.

“Ang natanggal na ho, dismissed for cause, more than 145 people. Mayroon din hong natanggal. Nasuspinde, mga 20, at mayroong isang kasong inirefer sa PACC [Presidential Anti-Corruption Commission],” saad ni DOTr Secretary Arthur Tugade.

“‘Yung mga nag-resign at kinausap naming mag-resign, sumatotal po niyan lalagpas po ‘yan ng mga 250,” dagdag ng opisyal. – Ulat ni Karen Villanda/AG-jlo

Panoorin ang ulat ni Karen Villanda:

 

Popular

PBBM: Launch of new dairy farm to boost local milk production, supply

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday expressed optimism that the inauguration of the Farm Fresh Milk...

PBBM leads distribution of various aid to Aeta communities in Pampanga

By Brian Campued In celebration of the National Indigenous Peoples Month this October, President Ferdinand R. Marcos Jr. led the turnover of various forms of...

PBBM vows sustained recovery efforts in Cebu after deadly quake

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Thursday assured Cebuanos that the government will continue to provide assistance in Cebu as it reels...

PBBM to soldiers: Serve the citizenry, protect the homeland

By Dean Aubrey Caratiquet “Panata ito ng katapatan sa tungkulin at paninindigan para sa bayan.” At the oath-taking ceremony of 29 newly promoted generals and flag...