Pagkahawa ng bata sa sinapupunan ng inang may COVID-19, bihira lang

By Alec Go

Ipinaliwanag ni obstetrician-gynecologist Dr. Sybil Lizanne Bravo na maliit ang posibilidad na maipasa ng isang buntis ang COVID-19 sa kanyang nasa sinapupunan.

Ayon sa doktor, ang posibilidad na mahawa ang sanggol ay mas mababa pa sa 3%. Subalit ipinaliwanag nito na maaaring magkaroon ng komplikasyon ang isang buntis kapag tinamaan ng COVID-19.

 “May mga complications po katulad ng mas mataas po ang chance na siya ay manganak nang mas maaga, iyong pre-term delivery na tinatawag,” sabi ni Bravo sa Laging Handa briefing nitong Sabado.

 “May chance din po na baka mas maliit ang sanggol kumpara sa mga babaeng hindi nagkaroon ng COVID. Iyon po, at saka medyo may small chance po na baka sila ay ma-CS [Caesarian section] kumpara sa mga buntis na walang COVID,” dagdag niya.

Sinabi rin nito na kanilang sinusuportahan ang pagsasama ng ina at ang bagong silang nitong sanggol kahit may COVID-19 pa ito.

“Para tuloy-tuloy po ang bonding. At kami po ay sumusuporta rito sa breastfeeding kahit po ang mommy ay COVID-positive, basta i-maintain po ang hygienic practices,” ani ng doktor.

“Marami pong studies na nagpapakita na, of course, through breastfeeding naipapasa po ng nanay ang antibodies through the breast milk kaya magiging malusog po ang baby,” dagdag niya.

 Para naman sa sanggol na hindi pa ipinapanganak, maaari siyang mapasahan ng antibodies ng kanyang ina sa pamamagitan ng placenta nito at dugo.

Pinayuhan naman ni Bravo ang mga malapit nang manganak na kumonsulta sa kani-kanilang mga doctor. – jlo

 

Panoorin ang buong panayam kay Dr. Sybil Lizanne Bravo:

Popular

On Teachers’ Month, DepEd notes good news for teachers

By Brian Campued As the Philippines joins the global community in honoring the invaluable contributions of teachers in shaping the next generation’s leaders and professionals,...

Phivolcs identifies fault that caused magnitude 6.9 Cebu quake

By Brian Campued State seismologists have located the source of the powerful offshore earthquake that jolted northern Cebu and the rest of Visayas on Sept....

PBBM: Launch of new dairy farm to boost local milk production, supply

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday expressed optimism that the inauguration of the Farm Fresh Milk...

PBBM leads distribution of various aid to Aeta communities in Pampanga

By Brian Campued In celebration of the National Indigenous Peoples Month this October, President Ferdinand R. Marcos Jr. led the turnover of various forms of...