Nakumpiska ng Bureau of Customs (BoC) ang may P150 milyong halaga ng ibaโt-ibang kagamitan, kabilang ang mga hindi rehistradong face mask, sa Binondo nitong Mayo 5.
Ang ikinasang operasyon ay bahagi pa rin ng pinaigting na kampanya ng BOC kontra smuggling.
๐๐ข๐-๐ ๐๐๐ฃ ๐๐ฝ๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐ต๐ฒ๐ป๐ฑ๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ผ๐๐ ๐๐๐ฒ๐บ๐ ๐๐ป ๐๐ถ๐ป๐ผ๐ป๐ฑ๐ผ
As part of intensified efforts against smuggling and counterfeiting, the…
Posted by Bureau of Customs PH onย Friday, May 7, 2021
Maliban sa mga hindi rehistradong face masks, nasabat rin ang ilang cosmetic o beauty products, face shields, mga damit, at mga laruang pambata.
Binigyang diin ng BoC na siguraduhing authentic ang mga face mask at iba pang personal protective equipment para sa kaligtasan at kalusugan ng mga gumagamit nito.
Samantala, nakumpiska naman nitong Mayo 7 ang isang 40-foot container van na may misdeclared cigarettes na nagkakahalaga ng P20.37 milyon. – PTV News/AG-RIR