Imbestigasyon sa vandalism sa MRT-3, patuloy

Nakikipagtulungan ang pamunuan ng MRT-3 sa pulisya matapos ang insidente ng vandalism sa isa nitong tren noong Miyerkules ng gabi.

“Mayroon tayong nakatalaga sa NCRPO [National Capital Region Police Office] na mga pulis na de-deploy sa iba’t-iba nating MRT at LRT area stations,” ani PNP chief Gen. Guillermo Eleazar.

“Tutulong tayo sa pagsasagawa ng imbestigasyon, at kung malaman natin kung sino responsible dito, pa-file-an natin ng kaso,” dagdag niya.

Nakita rin ng mga awtoridad na butas ang bakod o cyclone wire fence ng MRT-3 sa pagitan ng Magallanes at Taft Ave. station, kung saan kayang lumusot ang isang tao.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, ongoing ang upgrading sa kanilang mga CCTV sa lugar kung nasaan ang bakod.

Maging ang mismong pagsulat sa tren ay hindi nahagip sa CCTV dahil masyado itong malayo sa platform kung nasaan ang camera. Dinala sa depot ang tren upang isailalim sa repainting.

Humiling ang pamunuan ng MRT-3 na karagdagang guwardiya para bantayan ang mga pasahero at mga bakod nito.

Ito ay matapos ang sunod-sunod na insidente ng mga pasaway sa MRT-3, kabilang ang pagbaba ng isang lalaki sa riles upang mag-selfie. – Ulat ni Karen Villanda/AG-jlo

 

Panoorin ang ulat ni Karen Villanda:

Popular

PBBM most approved gov’t official —survey

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. emerged as the most approved government official in a recent nationwide survey...

PBBM rallies PMA graduates to remain loyal to the Constitution

By Brian Campued “As you take your oath today, remember that your loyalty is not to any political interest, not to any individual, nor any...

PBBM assures bigger funding for socio-civic projects, sustained rice aid for Filipinos

By Brian Campued “Kapag sinabi nating bawat bayan; bawat pamilya, walang maiiwan.” As part of the administration’s commitment to bringing government services and assistance directly to...

ADB commits addt’l funding to support PH gov’t efforts amid Mideast conflict

By Brian Campued The Asian Development Bank (ADB) has committed $1.75 billion in additional financing to support the Philippine government’s efforts in managing fiscal pressures...