Labanan ang COVID, mag-Resbakuna

Simula nang inumpisahan ng pamahalaan ang rollout ng bakuna laban sa COVID-19 noong Marso 1, 2021, mabilis nang tumaas ang kumpiyansa ng taumbayan sa proteksyong dulot nito. Nabawasan na ang mga agam-agam dahil na rin sa matiyagang pagpapaliwanag ng pinag-isang lakas ng mga ahensya ng pamahalaan.

 

Sa isang survey na ginawa ng Department of Health (DOH) mula Marso 9 hanggang Marso 30, 75 porsyento ng mga respondent ay nais nang magpabakuna kapag mayroon nang mga dose nito. Samantala, 85.8 porsyento naman sa mga ito ay nais magpaturok dahil alam nilang ito ay ligtas at epektibo.

 

Sa ngayon ay marami nang nabakunahang indibidwal sa buong Pilipinas na kabilang sa mga priority groups, tulad ng mga health frontliners (A1 Group) at senior citizens (A2 Group). May mga naturukan na ring mga pasyenteng may mga comorbidities o ibang sakit (A3 Group) sa ibang mga lugar.

 

Kapag dumating na ang sapat na supply ng bakuna sa bansa, at dumating na rin ang panahong nagdesisyon kang maprotektahan nito, narito ang mahahalagang paalala upang masigurong maayos at ligtas ang iyong pagdadaanan.

 

BAGO MAGPABAKUNA 

Pagkatapos magparehistro sa inyong lokal na pamahalaan, ano ang kailangang gawin habang naghihintay na mabakunahan? 

 

  • Kumonsulta muna sa isang espesyalista ng mga allergy bago magpabakuna kung ikaw ay nagkarooon ng allergic reaction o nagkaroon ng pangangati, pamamaga ng mata, o hirap sa paghinga sa loob ng anim na oras pagtapos makakuha ng kahit anong uri ng bakuna.

 

  • Kumonsulta muna sa inyong doktor at kumuha ng medical clearance, kung ikaw ay may mga sumusunod na kondisyon:
    • Autoimmune disease, tulad ng lupus
    • May human immunodeficiency virus (HIV)
    • May kanser na kasalukuyang naggagamot (chemotherapy, radiotherapy o immunotherapy)
    • Sumailalim sa organ transplant
    • Umiinom ng steroids nang mas mahigit sa dalawang linggo
    • Nakaratay sa kama (bedridden) o may malubhang sakit na hindi tataas sa anim na buwan ang taning

 

  • Kung nakakuha ng bakuna para sa ibang sakit (halimbawa, bakuna para sa flu o pulmonya), kailangan maghintay ng dalawang (2) linggo bago magpabakuna.

 

  • Ipagpatuloy ang BIDA+ Behaviors habang naghihintay na mabakunahan. Alalahanin na ang BIDA ay:

o   B – Bawal walang mask at face shield

o   I – I-sanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar

o   D – Dumitansya ng isang metro at limitahan ang pisikal na interaksyon sa iba

o   A – Alamin ang totoong impormasyon

 

 

SA ARAW NG PAGBABAKUNA 

  • Ituloy ang pag-inom ng mga maintenance medications (halimbawa, mga gamot para sa altapresyon, diabetes) bago magpabakuna.

 

  • Hindi kailangang uminom ng karagdagang gamot, tulad ng paracetamol, aspirin, o ibuprofen para maibsan ang mga posibleng side effects na maaaring mangyari matapos magpabakuna.

 

  • Tiyakin na tama ang petsa, oras, at lugar kung saan magpapabakuna.

 

  • Dalhin ang mga sumusunod sa lugar kung saan magpapabakuna:
    • Kahit anong government ID
    • Pruweba na kayo’y bahagi ng priority group
      • A1 – Professional Regulations Commission (PRC) ID
      • A2 – Office of the Senior Citizen’s ID
      • A3 – Katunayan ng sakit (comorbidity) tulad ng medical certificate, reseta ng gamot, hospital record (discharge summary), o surgical record
    • Ballpen

 

  • Magsuot ng face mask at face shield. Magdala ng alcohol o hand sanitizer.

 

SA LUGAR NG PAGBABAKUNA

Asahang may mga prosesong posibleng dadaanan pagdating sa vaccination site tulad ng: 

  • Registration: Ipapakita ang inyong ID at irerehistro para mabakunahan.

 

  • Health Education Area: Makakatanggap ka ng isang fact sheet ukol sa benepisyo at maaaring peligro mula sa pagkuha ng bakuna kontra COVID-19. Bibigyan ka ng pagkakataon na magtanong ukol sa bakuna. Pagkatapos, ipapalagda ang consent form na nagsasabing sumasang-ayon kang magpabakuna.

 

  • Health screening: Susuriin kayo ng mga healthcare professional kung angkop bang mabigyan ka ng bakuna. Tatanungin ka ukol sa inyong kalusugan, mga sintomas na nararamdaman, at mga allergies.

 

  • Vaccination: Babakunahan ka. Pagkatapos mabakunahan, bibigyan ka ng card na nagsasaad kung anong klase at tatak ng bakuna ang nakuha mo, petsa, pang-ilang dose, at kung saan ka binakunahan. Ingatan ang iyong vaccination card at dalhin ito sa susunod na appointment para sa pangalawang dose ng bakuna. Ni-rerekomenda rin na pikturan ninyo ang inyong vaccination card bilang back-up.

 

  • Post-vaccination: Pagkatapos mabakunahan, oobserbahan ka ng di bababa sa 15 minuto para malaman kung may hindi magandang maramdaman pagkatapos mabakunahan.

 

  • Paalala: Habang nasa vaccination site, gawin pa rin ang BIDA Behaviors. Dumistansya sa ibang tao ng di bababa sa isang metro habang ikaw ay nakapila.

 

  • Bago makaalis sa lugar kung saan kayo nabakunahan:
    • Tiyakin na mayroon kang iskedyul para sa ikalawang dose ng bakuna. Kakailanganin mo ang ikalawang dose upang makuha ang kabuuang proteksyon ng bakuna. Mangyaring gawing prayoridad ang appointment na ito.
    • Siguraduhin makuha ang pangalan ng health facility o hotline/telephone number na dapat tawagan kung kakailanganing sumangguni dahil sa adverse effects ng bakuna.

 

PAGKATAPOS MABAKUNAHAN

  • Pagkatapos mabakunahan, mahalagang ipagpatuloy pa rin ang BIDA Behaviours para sa karagdagang proteksyon para sa sarili at para sa iyong pamilya.
    • Pagsuot ng face mask at face shield
    • Paghugas o pagsanitize ng mga kamay
    • Pag-iwas sa mga matataong lugar
    • Paninigurado na may magandang daloy ng hangin sa bahay o lugar ng trabaho
    • Dumistansya ng isang metrong layo sa isa’t isa

 

Mga Posibleng Epekto ng Bakuna

  • Tulad ng ibang mga bakuna, maaaring makaranas ng mga adverse effects pagkatapos mabakunahan. Ang pinakakaraniwang naranasan ng mga nabakunahan ay:
    • Pananakit, pamumula, pangangati, at pamamaga sa bahagi ng katawan kung saan tinurukan
    • Hindi maayos ang pangkalahatang pakiramdam
    • Karamdaman ng pagkapagod (fatigue)
    • Lagnat o panginginig
    • Pananakit ng ulo
    • Pananakit ng kasukasuan o kalamnan (joint pain or muscle aches)

 

  • Huwag itong ikabahala. Senyales ito na ang katawan ay bumubuo ng proteksyon laban sa COVID-19. Ngunit hindi lahat ng nabakunahan ay makakaranas ng mga sintomas na nabanggit. Hindi rin ito nangunguhulugan na hindi gumana ang bakuna.

 

  • Karaniwang mawawala ang mga nabanggit na sintomas sa loob ng isa hanggang tatlong araw. Kung hindi pa ito nawawala pagkatapos ng 1-3 araw o kaya’y lalo itong lumalala, magpakonsulta sa isang doktor o healthcare professional at i-report sa LGU o local vaccination site hotline o contact number.

 

  • Para mabawasan ang lagnat, pananakit sa bahagi kung saan binakunahan, o sakit ng ulo, maaari kang uminom ng paracetamol o ibuprofen. Kung may pamamaga naman sa lugar ng pag-iiniksyon, maaaring lagyan ng yelo na nakabalot ng tuwalya (o cold compress) upang humupa ang pamamaga.

 

  • Maliban sa mga nabanggit na sintomas, mayroon maliit na posibilidad na ang bakuna para sa COVID-19 ay magdulot ng malubhang allergic reaction. Kung kayo’y makaranas ng malubhang hirap sa paghinga, wheezing, pamamaga ng mukha, o paghihigpit ng lalamunan, agad na pumunta sa pinakamalapit na ospital o emergency room.

 

Sa ngayon, 83,000 katao kada araw ang nababakunahan sa Pilipinas, pero nais ng pamahalaang umabot ang bilang na ito sa 120,000 kapag dumating na ang bulto-bultong bakuna sa bansa.

 

At dahil mataas na ang tiwala ng publiko sa pagiging ligtas at epektibo ng mga bakuna laban sa COVID-19, hindi malayong makakamit ang tinatawag na herd immunity, kung saan 60 hanggang 70 porsyento ng populasyon ang mabibigyan ng proteksyon laban sa nakamamatay na sakit. Kapag nangyari ito, masasabing magiging ligtas at may tunay nang Resbakuna ang sambayan sa mga malalang sintomas ng nasabing sakit.

Popular

PBBM turns over millions worth of agri support to MisOr farmers

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Tuesday turned over various agricultural support projects to farmers in Misamis...

Balingoan Port expansion to boost regional tourism, trade — PBBM

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Tuesday highlighted the importance of upgrading the Balingoan Port in the growth of Northern Mindanao, noting...

PBBM renews call for stronger mechanisms, regulation against fake news

By Dean Aubrey Caratiquet In cognition of rapid advancements in digital technology, President Ferdinand R. Marcos Jr. urged the Department of Information and Communications Technology...

PBBM declares April 22 as nat’l day of mourning for ‘Superstar’ Nora Aunor

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. has declared Tuesday as a “Day of National Mourning” over the passing of National Artist for Film...