Mga dumalo sa dinumog na community pantry sa QC, sasailalim sa COVID-19 testing

Mga residenteng pumila sa community food pantry sa Brgy. Old Balara, Quezon City na inorganisa ni City Councilor Franz Pumaren noong nakaraang linggo, isinailalim sa COVID-19 testing.

Sa 6,000 na dumalo sa naturang food pantry na ito, mahigit 650 lamang ang nagpalista para sa COVID-19 testing na ikinadismaya naman ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU).

Ayon sa CESU Head ng Quezon City na si Dr. Rolly Cruz, kailangan silang abisuhan ng mga residente na makakaramdam ng sintomas sa loob ng 14 araw.

Plano ring bumuo ng CESU ng mga patakaran ng lokal na pamahalaan para sa mga magsasagawa ng food pantry, lalo na kung mga public officials ang isa sa mga nag-organisa nito.

Samantala, inabswelto na ng Batasan Police Station 6 si Pumaren sa anumang safety health protocol violation kaugnay ng naturang food pantry.

Ayon sa pulisya, nakipag-ugnayan si Pumaren sa mga ahensya ng gobyerno gaya ng Quezon City Police District, Batasan Police Station 6, at sa tanggapan ni Brgy. Capt. Allan Franza nang namahagi siya ng pagkain upang matiyak ang kaayusan at pagpapatupad ng safety health protocols sa isinagawang community food pantry.

Paniniwala naman ni Pumaren, ito ay isang uri ng pamumulitika laban sa kanya.

“Tama yung sinasabi sa video na nagkaroon ng commotion pero sandali lang iyon. Whoever made that video, probably may malicious intent, ‘e. Bakit yung umpisang linya, yung natapos, hindi man lang ipinakita iyon eh. With the findings of QCPD, I was able to vindicate myself,” ani Pumaren. – Ulat ni Allan Francisco / CF-rir

Watch full report from Allan Francisco:

Popular

PBBM unbothered by dip in ratings, decline due to fake news – Palace

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency On Monday, April 21, Malacañang said President Ferdinand R. Marcos Jr. remains focused on governance despite a...

PBBM decries ‘gangster attitude’ over road rage incidents

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Monday denounced what he described as a growing culture of aggression...

Palace hails PH humanitarian team for Myanmar quake response

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency Malacañang commended members of the Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PIAHC) who returned Sunday evening from a mission...

AFP welcomes ‘West PH Sea’ inclusion on Google Maps

By Brian Campued The inclusion of the West Philippine Sea (WPS) on Google Maps further asserts the country’s internationally recognized sovereign rights over its maritime...