Western Visayas, patuloy ang kampanya sa pagbabakuna sa health workers

Tinatayang 17.48% ng mahigit 1.3 milyon na health workers sa Western Visayas ang nabakunahan na ng first dose ng COVID-19 vaccines ayon sa pinakahuling tala ng Department of Health.

Ito ay katumbas ng 242,340 frontline health workers na may kabuuang bilang na 1,386,185 mula sa priority group A1 na naturukan ng first dose ng Sinovac at AstraZeneca COVID-19 vaccines.

Umabot naman sa 61,069 o 4.41% ang nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19.

Ang lungsod ng Iloilo ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng nabakunahan na ng first dose na may 42,586 o 85.98% mula sa 64,548 na health workers ng naturang lungsod, habang 14.98% o 9,617 mula rito ang nabakunahan na ng second dose. 

Ang probinsya naman ng Antique ay nakapagtala ng 24.32% accomplishment rate sa first dose vaccination, habang 21.93% sa Aklan, 12.90% sa Bacolod City, 12.16% sa Negros Occidental, 12.14% sa Capiz, at 8.22% sa Guimaras.

Samantala, patuloy ang programa sa pagbabakuna sa mga senior citizen at may mga comorbidities sa rehiyon.

Nasa 10.50% o 788,846 ang nabakunahan na ng first dose habang 63,844 sa 122,704 na may comorbidity naman ang nabakunahan na.

Patuloy rin ang pagpapalakas ng mga local government unit (LGU) ang kanilang kampanya sa pagbabakuna ng health care workers na hindi pa nakakatanggap ng kanilang first dose. – Ulat ni Bing Pabiona (Radyo Pilipinas) / CF-rir

Panoorin ang buong ulat:

Popular

National gov’t to continue monitoring LGSF use

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency Malacañang on Wednesday said the national government will continue monitoring the utilization of the Local Government Support...

Palace defends flood response, seeks review of Duterte-era projects

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency Malacañang on Wednesday defended the administration’s response to flooding, citing President Ferdinand R. Marcos Jr.’s directive to...

PBBM orders immediate release of cash gifts to qualified senior citizens

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. has directed the National Commission for Senior Citizens (NCSC) to immediately distribute the P10,000 cash gifts for...

PBBM fetes Pinay singer making waves in SoKor

By Dean Aubrey Caratiquet Not one to be left behind as Asian countries make their mark in the international spotlight, Filipino talents continue to raise...