PACC, handang aralin ang isiniwalat ni Sen. Pacquiao hinggil sa korapsyon

Handang aralin ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang isiniwalat ni Senador Manny Pacquiao sa media hinggil sa mga hawak nitong dokumento na umano’y naglalaman ng reklamo ng korapsyon laban sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan.

Ayon kay PACC Chief Greco Belgica, may pauna na silang pakikipag-ugnayan sa senador at handa naman daw itong ibahagi ang mga dokumento sa kanilang tanggapan.

Ani Belgica, kung may basehan ang mga dokumento ay magsasagawa sila ng mabilisang imbestigasyon, gaya ng sinabi ng Pangulong Rodrigo Duterte, na tukuyin lamang ng senador ang gumagawa ng katiwalian at aaksyunan nila agad ito.

Iyan naman aniya ang inaasahan ng Pangulong Duterte na dapat na ginawa ni Pacquiao bilang isang kaibigan at kapartido.

Para kay Belgica, ito ay isa ring magandang development sa paglaban sa katiwalian dahil makakapag-compare notes ang PACC sa tanggapan ni Pacquiao, dahil may mga ongoing investigation na rin sila sa mga binanggit nitong ahensya gaya ng: Department of Health (DOH), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Energy (DOE), at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ani Belgica, bagamat hindi na bago sa kanila ang mga inihayag ni Pacquiao, ay nais pa rin nilang makipagtulungan dito upang maaksyunan ang mga natanggap nitong mga reklamo.

Kaugnay nito ay muling ipapatawag ng PACC ngayong linggo ang DSWD upang maidagdag sa imbestigasyon ang akusasyon ng senador at mabigyang linaw ang umano’y anomalya sa Social Amelioration Program (SAP) gamit ang e-wallet.

Aniya, bago pa man nagpahayag ang senador ay mayroon nang mga kaso ang DSWD sa PACC na may kinalaman sa sinasabing anomalya ng SAP distribution.

Sa COVID-19 pandemic anomalies naman sa DOH ay muling sinabi ni Belgica na wala na ring bago dito, dahil may ongoing investigation na sila partikular sa PhilHealth scandal kung saan ay marami nang top officials nito ang nasibak sa pwesto.

Muli ay nanindigan si Belgica na hindi nadoble ang kurapsyon sa panahon ng Pangulong Duterte dahil mismong ang Pangulo ay pinapangalanan at sinisibak sa pwesto ang mga nasasangkot dito.

Bukod doon ay namulat na rin kasi aniya ang publiko na magreklamo sa mga ahensyang itinatag ng Duterte administration gaya ng PACC, Anti-Red Tape Authority, at Department of Justice Anti-Corruption Task Force, kaya naging laging laman ng balita ang kurapsyon.

“Marami ang natakot na mga opisyal na gumawa ng kalokohan dahil sa seryosong kampanya ng administrasyon kontra katiwalian. Natakot silang mapangalanan ng Pangulo, makasuhan, at maipakulong,” ani Belgica. # (PACC-PIO) – jlo

Popular

PBBM wants expanded PH-Cambodia cooperation for mutual economic dev’t

By Brian Campued “With continued collaboration, I am confident that our economic ties will expand further.” President Ferdinand R. Marcos Jr. on Monday conveyed the Philippines’...

Discayas reveal names of politicians allegedly involved in anomalous flood control projects

By Dean Aubrey Caratiquet At the Senate Blue Ribbon Committee hearing on anomalous flood control projects this Monday, husband and wife entrepreneurs Pacifico “Curlee” Discaya...

PBBM inks law declaring protected areas in Tarlac, Southern Leyte

By Dean Aubrey Caratiquet Recognizing the need to protect landscapes and ecosystems from human activity and urban encroachment, President Ferdinand R. Marcos Jr. has signed...

Palace hits Discayas over ‘misinformation’ on PH film center project

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency Malacañang on Saturday slammed the camp of contractor couple Cezarah “Sarah” and Pacifico “Curlee” Discaya for claiming...