Senado, kinalampag para ipasa na ang Permanent Evacuation Centers Bill

By Kathleen Jean Forbes | Radyo Pilipinas Uno

Pinamamadali ni Deputy Minority Leader Carlos Zarate sa Senado ang pagpapatibay sa panukalang Permanent Evacuation Centers Bill.

Ayon kay Zarate, hindi na dapat hintayin pa ang isang mala-Yolanda o Odette na bagyo bago tuluyang ipasa ang panukala para sa pagtatayo ng mga evacuation shelters.

Oras na maisabatas, nilalayon nitong mahinto na ang paggamit sa mga paaralan at mga private facilities bilang temporary evacuation centers.

Dahil sa madalas ring daanan ng bagyo ang bansa, titiyakin na disaster resilient ang naturang evacuation centers na may sapat na stockpile ng pagkain, tubig, gamot maging communication equipment.

Marso pa ng taong ito nang pagtibayin ng Kamara sa ikatlong pagbasa ang panukala habang nakabinbin pa rin ito sa Senado.  -bny

Popular

PH now ‘future-ready’ for digital realm with launch of 1st AI-driven data hub — PBBM

By Brian Campued Advancing the vision of a smarter and more digitally connected “Bagong Pilipinas,” President Ferdinand R. Marcos Jr. led the launch of the...

4 iconic Filipino figures to get Presidential award

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. will posthumously confer the Presidential Medal of Merit on four iconic Filipino...

PBBM, First Lady to attend Pope Francis’ funeral

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. and First Lady Liza Araneta-Marcos will be attending the funeral of Pope...

PBBM, Japan PM Ishiba to meet April 29

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. is set to meet Japanese Prime Minister Ishiba Shigeru at Malacañan Palace on April 29, the Presidential...