Patay ang isang miyembro ng Communist Party of the Philippines Central Committee matapos ang engkwentro sa pagitan ng New People’s Army (NPA) at tropa ng 1001st Brigade at 5th Scout Ranger Company sa Davao de Oro sa disperas ng pasko, Dis. 24.
Kinilala ng 10th Infantry Division ang napatay na miyembro na CPP Central Committee Member na si Anna Sandra Reyes alyas Kaye.
Ayon kay 10th ID Public Affairs Officer Capt. Mark Tito, si Reyes ang kinikilalang Secretary ng the Regional White Area Committee sa ilalim ng Southern Mindanao Regional Committee (SMRC).
Nasawi umano si Reyes matapos ang 30-minutong bakbakan nitong nakaraan Biryernes matapos mapag-abot ang kanilang tropa at ng kasundaluhan.
Nakuha mula sa lugar ng pinangyarihan ang mga gamit sa pandigma gaya ng mga baril at sari-saring mga bala.
Napag-alaman din na may kasong murder at attempted murder ang nasawing opisyal ng CPP sa mga Regional Trial Court ng Davao City. (Radyo Pilipinas Davao) – bny