Pateros LGU, target bakunahan ang 6-K minors na 5-11 years old

By Hajji Kaamiño  | Radyo Pilipinas

 

Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Pateros na handa na ito sa pagbabakuna ng mga batang lima hanggang 11 taong gulang laban sa COVID-19.

Ayon kay Pateros Mayor Miguel Ponce, 6,000 kabataan na kabilang sa age group ang target nilang bakunahan. Hinihintay na lamang aniya ng municipal government ang guidelines sa vaccination.

Pero matagal na umanong nakapaghanda ang lokal na pamahalaan at kumpleto na ang requirements, lalo’t umuusad ang pagbabakuna sa 12 to 17 years old at malapit nang matapos.

Sa target na 6,000, nasa 2,400 o 40% ng five to 11 years old ang nakapagrehistro na sa vaccination program sa pamamagitan ng QR code.

Ipinaliwanag ni Ponce na sa simula ay nagdadalawang-isip pa ang mamamayan, ngunit pagkatapos ng dalawang linggong pag-roll out ay dumarami na ang tumatanggap nito.   (Radyo Pilipinas)   -ag

 

 

Popular

ASEAN, China sign free trade upgrade

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Tuesday joined fellow leaders at the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) for the signing of...

PBBM notes maritime cooperation as key for regional peace, stability

By Brian Campued Citing the ceasefire agreement between Hamas and Israel as well as the ongoing tensions in the West Philippine Sea (WPS) and the...

PBBM champions PH WPS claims in talks with U.S., India at 47th ASEAN Summit

By Dean Aubrey Caratiquet Cognizant of China’s continuing aggression in the West Philippine Sea (WPS), President Ferdinand R. Marcos Jr. raised such developments in these...

PBBM ready to disclose SALN, reaffirms commitment towards transparency

By Dean Aubrey Caratiquet Cognizant with his earlier directive calling for a “lifestyle check” on government officials as part of a renewed call towards transparency...