By Myris Lee
TGIF sa aksyon ang Team Pilipinas sa unang araw ng 31st Southeast Asian Games na kasalukuyang ginaganap sa Hanoi, Vietnam.
Grind day ng ginto ng Team Pilipinas sa larong Gymnastics sa pangunguna ni Tokyo Olympian Carlos Yulo para sa men’s artistic gymnastics competition mula sa 21 sports na lalaruan ng bansa ngayong biyernes.
Habang anim na Pinoy kickboxers naman na sina Jean Claude Saclag, Gina Iniong Aras, Renalyn Dacquel, Gretel De Paz, Zeph Ngaya, at Claudine Veloso ang inaasahang sisipa ng mga ginto sa finals.
Apat na ginto rin ang inaabangan sa Wushu at tig-dalawang ginto sa fencing at petanque.
Mag-uumpisa na rin magpa-init mamaya ang Team Pilipinas sa 3×3 basketball, esports, women’s volleyball, tennis at golf.
Dedepensahan ng bansa ang double gold finish nito noong 2019 Manila SEA Games habang susubukan naman na masapo ng Philippine women’s volleyball team ang mailap ng podium finish sa biennial meet
Samantala, dahil papunta pa lamang sa exciting part ang biennial regional competition ay maaari itong mapanuood ng live stream sa pamamagitan ng Smart GigaPlay. – bny