
Inilunsad ang ikalawang season ng Philippine Bay Watch sa pamamagitan ng unang episode na naglatag ng komprehensibong talakayan hinggil sa kasaysayan, mandato, at kontribusyon ng Philippine Reclamation Authority (PRA) sa pambansang kaunlaran at urban development.
Sa pangunguna nina Ms. Philippine Bay Watch 2025 Seannel Cruz at co-host Omni Gruba, binigyang-diin ng programa ang kahalagahan ng tumpak at fact-based na impormasyon hinggil sa reclamation at coastal development, bilang bahagi ng mas malawak na adbokasiya laban sa misinformation.
Binalikan sa episode ang pagkakatatag ng Public Estates Authority sa bisa ng Presidential Decree No. 1084 noong 1977 at ang pagbabago nito bilang Philippine Reclamation Authority sa pamamagitan ng Executive Order No. 380-A noong 2006.
Tinalakay rin sa unang episode ang papel ng ahensiya sa pag-regulate, pag-manage, at pag-monitor ng mga reclamation project sa buong bansa.
Ipinresenta rin ang mga pangunahing imprastrakturang itinayo sa reclaimed areas, kabilang ang mga cultural, commercial, transport, at government facilities na nagsisilbing mahalagang sentro ng ekonomiya at serbisyo publiko.
Itinampok din ang mga nagdaang accomplishments, governance recognitions, at mga programang pangkaunlaran ng PRA, pati ang mga planong imprastraktura na nakaayon sa Build Better More agenda ng pamahalaan.
Muling pinagtibay ng Philippine Bay Watch ang layunin nitong maghatid ng impormasyon at magbigay-inspirasyon sa publiko hinggil sa responsableng coastal development bilang bahagi ng nation-building. (PR)
