Akreditasyon ng safety practitioners, heavy equipment evaluators manggagaling sa OSHC

Upang matiyak na maiiwasan at mababawasan ang aksidente sa paggawa at mahigpit na maipatupad ang pamantayan sa ligtas at malusog na manggagawa, inatasan ni Labor and Employment Secretary Silvestre H. Bello III ang Occupational Safety and Health Center (OSHC) ang pagsusuri at akreditasyon ng lahat ng safety practitioner at heavy equipment testing operators.

Sa ilalim ng Administrative Order No. 407, inilipat ni Bello sa OSHC ang tungkulin sa pagsusuri, pag-aproba at pagbibigay ng certificate of accreditation ng Occupational Safety and Health (OSH) Practitioners and Testing Organization for Construction Heavy Equipment (CHE) mula sa Bureau of Working Conditions (BWC) at DOLE Regional Offices (ROs).

Naatasan ang OSHC na magbuo at ipalahathala ang patakaran at manual of procedures para sa akreditasyon, at magkapareho at kontroladong sertipikasyon sa mga OSH Practitioners at Testing Organization for CHE.

Naatasan din ang OSHC na i-monitor ang kanilang mga gawain at bigyan ng karagdagang kasanayan at iba pang tulong teknikal para sa pagtataas ng kanilang kakayahan.

Samantala, ang lahat ng aplikasyon, pati ang ang renewal, na isinumite sa BWC at DOLE-RO bago Setyembre 7, 2017, o bago ang effectivity date ay ipo-proseso ng BWC at ng kinauukulang DOLE-ROs at ipadadala sa OSHC para sa pinal na pagpapatibay ng sertipikasyon.

Ipinalabas ang administrative order upang higit na maiwasan at tuluyang mabawasan ang aksidente sa trabaho at para sa mahigpit na pagpapatupad ng itinakdang patakaran para sa ligtas at malusog na manggagawa sa lahat ng lugar-paggawa. (DOLE-PR)

Popular

First Couple graces ‘Thrilla in Manila’ 2

By Brian Campued Underscoring the administration’s commitment to supporting sports development and inspiring the next generation of Filipino athletes, President Ferdinand R. Marcos Jr. and...

Corruption issues won’t affect PH chairship of ASEAN 2026 —PBBM

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Tuesday stressed that local political issues of any member state will not overshadow the regional and...

PH to raise South China Sea Code of Conduct as 2026 ASEAN chair —PBBM

By Brian Campued The Philippines is in the process of putting together the different elements where it believes the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)...

ASEAN, China sign free trade upgrade

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Tuesday joined fellow leaders at the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) for the signing of...