Approval rating ng mga Pilipino kay Pangulong Duterte, umakyat sa 72%

Radyo Pilipinas

Sinasalamin lamang ng mataas na approval rating ng mga Pilipino kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkilala ng publiko sa mga hakbang at ginagawang tugon ng pamahalaan sa mga usapin sa bansa.

Pahayag ito ni Cabinet Secretary Karlo Nograles kasunod ng pinakahuling Pulse Asia survey kung saan lumalabas na nasa 72% ang approval rating ng mga Pilipino sa Pangulo.

Mas mataas ito kumpara sa 64% na natanggap na approval rating ng Pangulo noong Setyembre.

Ayon sa kalihim, repleksyon ito ng tiwala ng mga Pilipino sa mabilis na pagtugon ni Pangulong Duterte sa mga pangangailangan ng bansa sa gitna ng mga hamon.

Nagpasalamat ang kalihim sa patuloy na tiwala at pagmamahal ng publiko kay Pangulong Duterte.

Kaugnay nito, tiniyak ng kalihim ang pagtutuloy rin ang pagsusulong ng administrasyon sa mga programa at proyekto na makakatulong sa pag-unlad ng buhay ng mga Pilipino. -rir

Popular

TD Bising intensifies; Wind Signal No. 1 up in extreme Northern Luzon

By Brian Campued Tropical Depression Bising slightly intensified over the sea west of extreme Northern Luzon, the state weather bureau said Friday. In its 11:00 a.m....

WALANG PASOK: Class suspensions for July 4 due to heavy rains

Classes in the following areas have been suspended on Friday, July 4, due to the impact of the southwest monsoon (habagat) and the...

PBBM to study DILG Sec. Remulla’s request to declare class suspensions

By Brian Campued Malacañang on Thursday assured Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla that President Ferdinand R. Marcos Jr. will...

WALANG PASOK: Class suspensions for July 3 due to inclement weather

Classes in the following areas have been suspended on Thursday, July 3, due to the impact of the southwest monsoon (habagat) and the...