Tinukoy ng Quezon City (QC) government nitong Huwebes (Mayo 13) ang Smart Araneta Coliseum o ang “Big Dome” bilang isa sa mga magiging mega vaccination sites sa lungsod.
Inaasahang magsisimula ang bakunahan sa nasabing pasilidad ngayong Sabado, ayon sa QC government.
“We estimate that the Big Dome will be capable of delivering 1,000 to 1,500 COVID shots per day,” sabi ni QC Mayor Joy Belmonte sa isang pahayag.
“It is a suitable site for a massive and critical government health drive since it offers adequate space and accessibility to both our healthcare workers and the public. This will help us strengthen our efforts to provide our QCitizens the protection they need against COVID-19,” dagdag niya.
According to Mayor Joy Belmonte, the Big Dome will be capable of delivering an estimate of 1,000 to 1,500 COVID-19…
Posted by Quezon City Government on Thursday, May 13, 2021
Titiyakin din aniya na may magandang bentilasyon sa lugar na libreng inalok ng Araneta Group. Nangako rin ang grupo na magpapadala ng kanilang sariling medical personnel na tutulong sa pagbabakuna.
Nitong Mayo 12 lamang noong nagsagawa ang mga awtoridad ng ocular inspection sa coliseum. – Ulat ni ni Allan Francisco/AG-jlo