Bagong sistema, bagong pamumuno at bagong pamamahala ng gobyerno – Federalism advocate

“Maliwanag naman sa isip at diwa at puso ng taong bayan na si Pangulong Duterte, siya lang ang kaisa-isang pangulong kumandidato sa pagka-pangulo na lantarang pinaglaban ang pagbabago ng sistema ng gobyerno.”

Batay ito sa inihayag ni former Representative Dante Liban, isang advocate ng Federalismo sa bansa, kaugnay sa isa sa mga prayoridad ng kasalukuyang administrasyon na mapalitan ang porma ng pamahalaan at maging isang Federal government.

Linaw pa ni Liban sa programang Bagong Pilipinas,  ang uri ng Federalismo na isusulong sa bansa ay “angkop at akma sa hiling at pakisuyo ng taong bayan.”

Sa ilalim ng bagong sistema ay magkakaroon ng dalawang lebel: ang Federal government na bibigyang pansin ang mga suliraning pederal o nasyonal at Regional o State government na tumutukoy patungkol sa pangangailangan, hiling at hinaing ng taong bayan.

“Yung Federal government yung bibigyang pansin at trabaho ang mga isyung pang-pederal o nasyonal pero sa Regional o State government yung mga pangangailangan, hiling at hinaing ng taong bayan o lokal sa baba at sila ay may lakas at puder na ibibigay ng saligang batas na huhubugin ngayon natin,” paliwanag ni Liban.

Nakasentro aniya sa maling sistema ang umiiral sa kasalukuyang malawak na kahirapan, matinding problema sa katiwalian, mataas na kriminalidad at ilegal na droga

“Angkop sa aking pagsusuri ito ay nangyayari dahil sa umiiral na sistema, kaya kailangang baguhin,” ani Liban.

“Kaya tama si Pangulong Duterte, malawakang pagbabago sa ating bansa, kaya may bago tayong programa ngayon, “Bagong Pilipinas” sinasabi non bagong sistema, bagong pamumuno at bagong pamamahala ng gobyreno,” dagdag pa nito. (Tina Joyce Laceda – PTV)

Popular

Malacañang urges caution on calls to expel Chinese envoy

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency Malacañang on Wednesday acknowledged calls for action against Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan over his...

Malacañang: Armed group sheltering Sen. dela Rosa a threat to nat’l security

By Dean Aubrey Caratiquet After several months of manhunt operations, authorities said that they have already identified the whereabouts of Senator Ronald “Bato” dela Rosa,...

Malacañang presses probe into reported Atong Ang escape

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency Malacañang on Wednesday called for an investigation into possible lapses in law enforcement after Interior Secretary Jonvic...

PBBM, Japan reaffirm bilateral ties, regional cooperation

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. and Japanese Prime Minister Sanae Takaichi on Tuesday reaffirmed their commitment to...