Bagyong Dante, maaaring magdulot ng lahar flow sa Taal at Pinatubo

Pinangangambahan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) – Department of Science and Technology (DOST) ang pagkakaroon ng lahar flow mula sa bulkang Taal at Pinatubo dahil sa tropical storm Dante.

Base sa Tropical Cyclone Bulletin No. 18 na inilabas ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), tatahakin ng bagyong Dante ang lalawigan ng Batangas sa ganap na 5:00 n.u. ngayong Miyerkules (Hunyo 2) at dadaan sa kanluran at gitnang Luzon sa susunod na dalawang araw. 

Ayon kay Phivolcs Director Undersecretary Renato Solidum sa isang press conference, posibleng magkaroon ng muddy stream flow o muddy run-off sa kanlurang bahagi ng Taal Lake kung saan nagkaroon ng mga deposit ng abo nang pumutok ang bulkan noong Enero 2020.

Posible rin aniyang mabuo ang kaparehong sitwasyon sa Mt. Pinatubo, na maaaring makaapekto sa mga residente ng San Marcelino, San Narciso, San Felipe, at Botolan sa Zambales.

Batay sa 11:00 n.u. forecast ng PAGASA, limang beses nang tumama sa kalupaan ang bagyong Dante. – Ulat ni Ryan Lesigues / CF-jlo

Popular

Philippine typhoon victims remember day Pope Francis brought hope

By Agence France-Presse Fourteen months after the deadliest storm in Philippine history, Pope Francis stood on a rain-swept stage to deliver a message of hope...

PBBM forms National Task Force Kanlaon, inks Phivolcs’ modernization law

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. has created the National Task Force Kanlaon that will oversee and coordinate...

Palace orders probe into China’s alleged interference in midterm polls

By Ruth Abbey Gita-Carlos and Wilnard Bacelonia | Philippine News Agency Malacañang on Friday ordered the immediate and deeper investigation into China’s alleged interference with...

Malacañang slams ‘fake news’ on P20/kg. rice, charter change push

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency Malacañang on Friday slammed the proliferation of “fake news” and “disinformation” about the quality of rice that...