Bakuna, Mabisang Panlaban sa COVID-19 at Delta Variants

By: Jasmine B. Barrios

Habang ang maraming bansa sa Europa at Africa ay tinatamaan na ng third wave ng pandemya dahil sa pag-atake ng Delta variant, unti-unti namang bumababa ang dami ng impeksyon sa Pilipinas, lalo na sa National Capital Region (NCR). Pati ang bilang ng mga namamatay dahil sa COVID-19 ay bumabagsak na rin. Pero hindi pa ito sapat na dahilan para maging kampante ang lahat na bubuti agad ang sitwasyon dahil mas marami pa rin ang kaso ng hawahan sa Pilipinas kumpara sa nakaraang taon at nariyan pa ang banta ng Delta variant.

Kaya muling pinapaalala ng Department of Health (DOH) ang kahalagahan ng pagbabakuna laban sa COVID-19. Ayon sa datos, may positive efficacy ang mga bakunang inaprubahan sa bansa laban sa nasabing nakamamatay na sakit pati na ang mga variants nito.

Bagama’t may mga bansang nakakaranas ngayon ng surges o biglang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa kabila ng pagpapabakuna ng karamihan ng kanilang mamamayan, kailangan pa ng masusing pag-aaral upang malaman ang tunay na mga dahilang maaaring dala ng iba’t ibang factors. Ang mahalaga, dapat maprotektahan ang mga taong madaling mahawahan tulad ng mga senior citizens at mga taong may co-morbidities o iba pang mga sakit. Bakuna talaga ang pinakamabisang paraan para maiwasan ang hawahan at pagkuha ng malalang impeksyon na maaaring mauwi sa kamatayan.

Malaking bagay rin na kontrolado ang pagpasok ng mga taong mula sa malalayong lugar sa pamamagitan ng mga travel bans lalo na sa mga kilalang bayang tinamaan ng Delta virus. Pinapayagan lamang makapasok ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) nguni’t kailangan pa rin nilang dumaan sa ilang protocol upang masiguro ang kaligtasan ng kanilang pamilya, pamayanan pati na ang buong bayan.

Kailangang mag-quarantine ang mga bagong dating na OFWs ng sampung araw, magpakuha ng RT-PCR test sa ikapitong araw, at magdaragdag pa ng apat na araw na quarantine pa sa kani-kanilang tahanan.

At hindi pa rin matatawaran ang kaligtasan na dala ng pagsunod ng lahat sa health protocols tulad ng wastong pagsuot ng face masks, paghugas ng kamay sa loob ng dalawampung segundo, pagsunod sa physical distancing na isang metro ang layo lalo na sa matataong lugar, pati na ang pagkakaroon ng maayos na ventilation sa isang lugar.

Mahigit anim na milyong katao na ang nakakuha ng unang bakuna at dalawang milyon naman ang nakakumpleto na ng ikalawang turok noong Hunyo 20. Sa pinag-isang lakas ng pambansang pamahalaan at ng mga lokal na pamahalaan, unti-unting makakamit ang pagbabakuna ng 60 hanggang 70 porsyento ng mga Pilipino para magkaroon ng population protection bago matapos ang taong ito.

Kahit na maraming tao pa ang nagdadalawang-isip magpaturok dahil sa mga maling paniniwala at takot sa mga epekto ng bakuna, sinisiguro ng Kagawaran ng Kalusugan na natural lamang ang reaksyon ng katawan sa bakuna tulad ng pagtaas ng presyon, sakit ng ulo, pananakit sa lugar ng pinag-bakunahan, lagnat, pagkahilo, panghihina, rash, panlalamig, sakit sa muscles at kasu-kasuan. Ang mga sintomas na ito ay magandang senyales na rumeresponde ang katawan sa bakuna at maaari naming mabigyang lunas ang mga ito sa pamamagitan ng pag-inom na paracetamol, pag-inom ng maraming likido, at pahinga.

Ang mahalaga’y maabot ang adhikain ng population protection sa pamamagitan ng bakuna dahil kung protektado ka, protektado ang buong bayan at buhay ay muling giginhawa sa lalong madaling panahon.

Popular

PH to file diplomatic protest vs. China’s ‘nature-reserve’ plan in Bajo de Masinloc

By Brian Campued The Philippines will issue a formal diplomatic protest against China’s plan to create a nature reserve at Bajo de Masinloc in the...

PBBM institutionalizes shift to e-governance

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. has signed a law institutionalizing the transition to e-governance to foster a...

PH now has single hotline for emergencies through Unified 911

By Brian Campued “Unified 911, anong maitutulong namin sa’yo?” People in crisis nationwide can now access a single hotline for every emergency as the Unified 911...

PBBM reaffirms commitment to PH-U.S. alliance amid emerging challenges in Indo-Pacific region

By Dean Aubrey Caratiquet Not long after he arrived in the Philippines from a 3-day state visit to Cambodia on Tuesday, President Ferdinand R. Marcos...