CHR, walang nakikitang problema sa pagtulong ng AFP sa PDEA at PNP sa ‘war on drugs’

Walang nakikitang problema ang Commission on Human Rights (CHR) sa pagtulong ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa pagpapatuloy ng War on Drugs sa bansa.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jackie De Guia, dapat lamang tiyakin ng gobyerno na hindi lalampas sa aspeto ng intelligence gathering ang magiging papel ng AFP.

Bukod aniya sa pagsunod sa nakasaad sa Rules of Engagement ng PNP, support role lamang ang maaring gampanan dito ng AFP.

Nangangamba ang CHR sa posibilidad na maaring malabag ang karapatang-pantao kapag pumasok sa actual operation ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Matatandaang ilang beses nang sinabi ng Pangulong Rodrigo Duterte na gagamitin niya ang pwersa ng AFP makamit lamang ang layuning tuldukan ang ilegal na droga sa bansa. (Rey Ferrer/ Radyo Pilipinas)

Popular

PBBM reaffirms PH commitment to international law in fostering regional peace

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Wednesday cautioned against calling all competing maritime disputes on the South China Sea equal, as he...

PBBM pushes for PH trade pact with India

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Wednesday said the government is “ready to act” and will work closely with its Indian business...

PBBM addresses criticisms, assures sufficient funds for gov’t agendas in his podcast

By Dean Aubrey Caratiquet In episode 2, part 3 of the BBM Podcast, which aired on Wednesday, President Ferdinand R. Marcos Jr. refuted criticisms levied...

PH, India eye deeper health collaboration

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Tuesday met with Bharatiya Janata Party (BJP) Chair and Indian Health...