DILG sang-ayon sa utos ng SC na bawasan ang mga tao sa mga bilangguan sa gitna ng pandemya

Malugod na tinanggap ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang kalalabas pa lang na administrative circular ng Korte Suprema na nag-uutos na paluwagin ang mga bilangguang pinangangasiwaan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Corrections (BuCor) sa gitna ng krisis ng COVID-19.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año, ang utos ng Kataas-taasang Hukuman ay makatao at magsusulong ng social restorative justice, habang pinapagaan ang pasanin ng mga persons deprived of liberty (PDL) at mga tauhan ng BJMP na nagtatrabaho buong araw at gabi upang ipatupad ang mga mahigpit na bilin ng Department of Health (DOH)na panatiliing ligtas ang mga bilangguan.

“Malaking tulong ito sa ating mga mahihirap at matatandang nakapiit sa ating mga pasilidad na mabigyan sila ng pagkakataong makapiling muli ang kanilang mga mahal sa buhay. Malaking ginhawa din ito sa ating mga tauhan sa BJMP dahil mababawasan ang kanilang mga alalahanin sa gitna ng banta ng COVID-19,” ani Año habang pinasasalamatan si Chief Justice Diosdado Peralta na naglabas ng Administrative Circular 39-2020.

Binabawasan ng natutang direktiba ang piyansa ng mga naakusahan ng krimen na may pataw na reclusion temporal o 12 hanggang 20 taong pagkakakulong, habang ang mga nahatulan ng anim na buwan pababa ay maaaring palayain base sa tinatawag na recognizance.

Bilang isang mahalagang istratehiya, paliwanag ni Año, uunahin ng BJMP ang pagpapalaya sa mga kuwalipikadong PDL na may court order at kasalakuyang napipiit sa mga pasilidad ng BJMP na may kumpirmadong kaso ng COVID-19 upang hindi na mahawa ang ibang PDL.

“Kami ay nag-iingat upang hindi na kumalat ang virus sa apat na pasilidad at ipinatutupad ang contract tracing, mabilisang paghihiwalay ng mga suspected cases, at serbisyong medikal sa mga PDL, bukod pa sa mga hakbang na ipinatutupad sa mga BJMP facilities sa buong bansa,” anang Kalihim.

Ayon kay Año, apat sa 468 pasilidad ng BJMP sa buong bansa ang nag-ulat na ng 345 kaso ng COVID-19.

Mahigit sa 3,000 PDL sa mga BJMP facilties maaaring palayain

Samantala, inihayag ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na base sa mga talaan ng BJMP, mga 3,000 PDLs sa buong bansa ay kuwalipikado ayon sa mga patakaran ng Korte Suprema at maaaring palayain sa oras na makatanggap ng court orders.

“Sa panig ng DILG, patuloy naming isusulong ang mga legal na paraan ng pagpapaluwag ng mga bilangguan. Kung anuman ang ipag-uutos sa amin ng korte at meron ng court orders para dito, ‘yun naman po ang aming susundin,” dagdag ni Malaya.

Ipinaliwanag niya na ayon sa nasabing kautusan ng Korte Suprema, maaaring maghain ng petition ang mga abogado ng mga PDL sa mga mababang hukuman. Sa oras na ito ay aprubahan at ang release order ay mailabas, palalayain ng BJMP ang PDL base sa piyansa o recognizance.

Para naman sa mga hindi makakalaya, patuloy na ipatutupad ng BJMP ang mga hakbang upang huwag nang kumalat ang pandemya, tulad ng electronic dalaw, o e-dalaw, pagtatakda ng mga handwashing area at regular na disinfection ng mga pasilidad.

Popular

Malacañang urges caution on calls to expel Chinese envoy

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency Malacañang on Wednesday acknowledged calls for action against Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan over his...

Malacañang: Armed group sheltering Sen. dela Rosa a threat to nat’l security

By Dean Aubrey Caratiquet After several months of manhunt operations, authorities said that they have already identified the whereabouts of Senator Ronald “Bato” dela Rosa,...

Malacañang presses probe into reported Atong Ang escape

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency Malacañang on Wednesday called for an investigation into possible lapses in law enforcement after Interior Secretary Jonvic...

PBBM, Japan reaffirm bilateral ties, regional cooperation

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. and Japanese Prime Minister Sanae Takaichi on Tuesday reaffirmed their commitment to...