Dizon: COVID-19 positivity rate ng bansa, bumaba

Nakikitaan na ng pagbaba ang positivity rate ng COVID-19 sa bansa, ayon kay Testing Czar at National Task Force against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon.

Sa ipinakitang datos ni Secretary Dizon, naitala ang pinakamataas na positivity rate ng bansa  nitong mga nagdaang buwan noong April 2 na 25%. Tuloy-tuloy na itong humupa hanggang kahapon (Abril 29) sa halos 17%.

Maging sa NCR, na siyang epicenter ng COVID-19 sa Pilipinas, ay bumaba na rin daw sa 17% ang positivity rate, mula sa halos 30% noong unang bahagi ng Abril.

“Ang pinaka-importante, sa tulong ng kooperasyon ng mga kababayan natin, iyong pagsusuot ng mask, paghuhugas ng kamay, pagdidistansiya, at iyong mabilis na pag-a-isolate, ay talagang napakalaki po ng naitulong kasama na rin ng pagpapaigting ng ating lockdown sa NCR Plus.  So dahan-dahan na po itong bumababa, at sana po ay tuluy-tuloy na pong bumaba itong ating positivity rate.”

Inirekomenda ng World Health Organization (WHO) na panatiliing mababa sa 5% ang positivity rate sa loob ng dalawang linggo bago buksan ang ekonomiya ng isang bansa.

Samantala, huling naitala sa Pilipinas ang positivity rate na 4.7%, na mas mababa sa WHO benchmark, noong February 6.

Sa kabila ng pagbaba ng mga bilang ng kaso ng COVID-19, ipinaalala ng DOH ang mahigpit na pagsunod sa minimum health standards.

Ulat ni Mark Fetalco/NGS-jlo

Popular

PBBM discusses eGovPH app benefits, commuter-centric transport, and online gambling in podcast

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. underscored his administration’s continued push for digital transformation in the government and the importance of transportation that...

PH secures 18 business deals with India during PBBM visit

By Brian Campued On the heels of the New Delhi leg of his state visit to India, which saw the signing of key agreements, including...

PBBM reaffirms PH commitment to international law in fostering regional peace

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Wednesday cautioned against calling all competing maritime disputes on the South China Sea equal, as he...

PBBM pushes for PH trade pact with India

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Wednesday said the government is “ready to act” and will work closely with its Indian business...