Magbabalik-operasyon na simula sa Martes (Hunyo 1) ang mga DOT-accredited resorts na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ), ayon sa Department of Tourism (DOT).
Sa ilalim ng guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF), pinapayagan na ang hanggang 30% na kabuuang kapasidad sa mga naturang pasilidad, at bawal pa rin ang mga buntis at may comorbidity.
Ayon kay DOT Sec. Bernadette Romulo-Puyat, maaari na rin ang pag-swimming ngunit kinakailangan ay isang household o pamilya lamang.
Giit ng mga eksperto, mababa ang tsansang makakuha ng virus sa swimming pool kahit na aksidenteng makainom ng tubig mula rito ang isang tao.
“Water cannot transmit COVID-19. Drinking water is not transmitting COVID-19 and if you swim in a swimming pool… you cannot get COVID-19 through water,” saad ng Department of Global Infectious Hazard Preparedness (GIH) Director Dr. Sylvie Briand.
Giit naman ni OCTA Research fellow Dr. Benjamin Co, bukod sa safety precautions, maigi rin na outdoor o nasa labas ang swimming pool.
“When you are in open space, the air ventilation will not allow the virus to get transmitted easily,” sabi ni Co. – Ulat ni Sweeden Velado-Ramirez / CF-rir