Pormal nang nagsimula bilang acting secretary ng Department of Agriculture si Dr. William Dar. Sa kaniyang pag-upo, inilatag niya ang mga pangunahing programang pagtutuunan ng pansin kabilang ang masaganang buhay para sa mga Pilipinong magsasaka at sapat na pagkain sa bansa.
