Filipino, wika ng paglaya at pagkakaisa ayon sa gurong mambabatas

Sa simula ng buwan ng Wika ngayong Agosto, mariing hinihimok ng kinatawan ng ACT Teachers Party-List na si France Castro na gawing prayoridad ang pagpasa ng mga mandatoring yunit ng Filipino at Pantikan sa kolehiyo matapos itong tanggalin ng Commission on Higher Education at ng Korte Suprema noong Mayo. Naghain siya ng Panukalang Batas blg. 223 na naglalayong muling gawing mandatoryo ang Filipino at Panitikan.

“Ang buwan ng Agosto ay tinaguriang buwan ng wika. Ang Filipino, bilang pambansang wika, ay wika ng paglaya at pagkakaisa ng mga Pilipino. Bigyang halaga natin ang wikang Filipino at Panitikang Filipino sa pamamagitan ng pagbabalik ng mandatoring siyam na yunit para sa Filipino at tatlong yunit para sa Panitikan sa kolehiyo,” ani ni Castro. “Ang pagpatay ng Commission on Higher Education sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo, na sinang-ayunan ng Korte Suprema noong Mayo 2019 at kasabay na pagpatay ng programang K to 12 sa Kasaysayan ng Pilipinas sa hayskul at Philippine Government & Constitution ay isang malaking dagok sa pagkakaroon ng makabayang edukasyon sa Pilipinas.”

“Magiging puspusan lamang ang pagtataguyod sa paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa lahat ng antas ng sistemang pang-edukasyon kung puspusan ding itataguyod ang pagtuturo nito bilang asignatura sa lahat ng antas ng edukasyon,” dagdag ni Castro. “Ano ang halaga ng pagkakaroon natin ng buwan para sa pagpapahalaga sa wikang pambansa kung mismong ang mga ahensya ng gobyerno ay walang pagpapahalaga sa Filipino at Panitikan at tinatanggal ang mas malalim na pag-aaral at pag-uunawa rito?”

“Kung tutuusin, mas mahalaga at mas malaki ang papel na ginagampanan ng pag-aaral ng sariling wika at panitikan sa pagtuturo ng makabayang kamalayan sa mga kabataan kumpara sa mga isinusulong ngayon na mandatoring ROTC sa senior high school. Wala tayong maiaambag sa edukasyong pangkultura ng mga mamamayan ng daigdig kung hindi natin lilinangin ang ating sariling wika, kultura, at identidad,” sabi ni Castro.

“Naghain na tayo ng Panukalang Batas 223 na nagalayong gawing mandatoryo ang siyam (9) na yunit ng Filipino at Panitikan sa kurikulum ng kolehiyo upang mapunan ang kakulangan ng bagong General Education Curriculum at makapag-ambag sa paglinang ng ating kamalayan sa sariling wika, kultura, at identidad, upang linangin at puspusang itaguyod ang ating pambansang wika, gaya ng iniaatas ng Saligang Batas,” dagdag ni Castro. “Ginigiit natin na kailangan ipagtanggol at ibalik ang Filipino at Panitikan bilang mandatoring asignatura sa kolehiyo.” (PR)

Popular

Malacañang: Accountability on OVP’s fund use rests with VP Sara

By Ruth Abbey-Gita Carlos | Philippine News Agency Accountability for the use of confidential funds lies with Vice President Sara Duterte, Malacañang said on Tuesday...

Carlito Galvez steps down as PBBM’s peace adviser

By Brian Campued Presidential Adviser for Peace, Reconciliation, and Unity Carlito Galvez Jr. has stepped from his post and will be replaced by former Interior...

PH to receive 103M liters of diesel this week to augment nat’l fuel supply

By Dean Aubrey Caratiquet As part of various interventions targeted towards alleviating the citizenry’s fuel price and supply woes, the DOE continues to act in...

PBBM installs Eduardo Oban Jr. as new Nat’l Security Adviser

By Dean Aubrey Caratiquet After a press briefing announcement last week noting President Ferdinand R. Marcos Jr.’s acceptance of Secretary Eduardo Año’s decision to step...