Food assistance para sa undernourished children, direktang ihahatid sa bawat tahanan –– Nograles

PR

Maging ang gobyerno ay sasakay sa food home delivery bandwagon bilang bahagi ng pagsisikap nito upang magbigay ng sapat na nutrisyon para sa mga napag-iiwanang sektor sa bansa.

Ito ang pahayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, nitong Martes na nagbigay ng updates tungkol sa food assistance initiatives ng gobyerno para sa mga batang mag-aaral na kulang sa nutrisyon na patuloy na makatatanggap ng food packs mula sa gobyerno sa kabila ng kawalan ng pisikal na pagpasok sa eskwela dahil sa Covid-19.

Sinabi ni Nograles, na siyang namumuno sa Zero Hunger Task Force ng gobyerno, na parehong gagamitin ng Department of Education (DepEd) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ganitong paraan ng pamamahagi ng mga subsidyo sa pagkain sa ilalim ng feeding programs ng mga nasabing ahensya.

“Ang aking concern bilang Zero Hunger Task Force Chair, kahit na buksan natin ang ekonomiya at ibalik ang mga tao sa trabaho, mayroon pa ring mga napag-iiwang sektor: yung mga hindi pa pwedeng magtrabaho. Obviously, yan ang mga bata,” pahayag ng opisyal ng Palasyo.

Ani Nograles, ang gobyerno ay mayroong supplemental food program sa ilalim ng DepEd para sa mga bata mula Kinder hanggang Grade 6.

Saad pa ng opisyal, “sa pagbubukas ng klase, ang mga supplemental feeding program ay maaari nang magsimula; bahay-bahay kaming mamamahagi ng mga masusustansyang produktong pagkain kasi wala nang face to face classes.”

Para sa mga batang mas nasa murang edad, ang DSWD ay nagsasagawa ng supplemental feeding sa kanilang pinangangasiwaang “neighborhood play and child development center programs.”

“Sa parehong programa, mayroon silang supplemental feeding program, at ito rin ang bahay-bahay na mamamahagi sa pamamagitan ng mga child development workers, supervised neighborhood play workers, at iba pang barangay volunteers.”

Ayon sa dating mambabatas, ang mga food packs na ipamamahagi ay ginawa ng Department of Science and Technology – Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI).

Kabilang dito ang hot meals, pamimigay ng Nutripack, Nutribun, fresh milk, milk products, micronutrient packs, iron-fortified rice, at mga alternatibong pagkain na madaling lutuin.

Pupunan ng mga programang ito ang dietary supplementary program para sa mga batang may edad 6 hanggang 23 buwang gulang at mga “nutritionally-at-risk” na kababaihang buntis na inaprubahan kamakailan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF).

Batid umano ng gobyerno ang pangangailangan na dagdagan ang mga ganitong programa bunsod ng lumabas na mga survey kamakailan na tumaas ang bilang ng mga walang trabaho at kagutuman na magkakaugnay na indikasyon sa pagitan ng unemployment and involuntary hunger.

Sinabi ni Nograles na ang datos mula sa mga survey ay nagpapakita na “ang kagutuman ay talagang naiuugnay sa trabaho o hanapbuhay; kung mas marami tayong maibibigay na trabaho, mas kakaunti ang magugutom.”

Binigyang diin ng kalihim ng gabinete na kahit sa pagpapababa ng bilang ng walang trabaho, kailangang mamagitan ang gobyerno upang matiyak na ang mga napag-iiwanang sektor tulad ng mga bata ay nabibigyan ng sapat na nutrisyon upang maiwasan ang mga isyung pang-kalusugan tulad ng pagkabansot at kakulangan sa timbang –– mga problemang may pangmatagalang epekto sa paglago ng mga bata.

“We cannot afford a stunted future; we must feed the future, we must save the children from malnutrition––by saving a generation, we are saving our country.”

Popular

National gov’t to continue monitoring LGSF use

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency Malacañang on Wednesday said the national government will continue monitoring the utilization of the Local Government Support...

Palace defends flood response, seeks review of Duterte-era projects

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency Malacañang on Wednesday defended the administration’s response to flooding, citing President Ferdinand R. Marcos Jr.’s directive to...

PBBM orders immediate release of cash gifts to qualified senior citizens

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. has directed the National Commission for Senior Citizens (NCSC) to immediately distribute the P10,000 cash gifts for...

PBBM fetes Pinay singer making waves in SoKor

By Dean Aubrey Caratiquet Not one to be left behind as Asian countries make their mark in the international spotlight, Filipino talents continue to raise...