Guido Group of Companies, ipinamalas ang kahalagahan ng pagkakaisa sa pamamagitan ng sports

Bilang pagpapamalas ng kahalagahan ng pagkakaisa, pagkakaibigan, at malasakit, nagtipon-tipon ang mga professional at amateur dart players sa MettaCity Glorietta 4 sa Makati City para sa Unity Soft Tip Dart Tournament na pinangunahan ng Guido Group of Companies ngayong Lunes, June 22, 2026.

Higit pa sa isang kompetisyon, ang naturang torneo ay nagsilbing simbolo ng pagkakaisa ng mga tao mula sa iba’t ibang antas ng buhay para sa isang mas malalim na layunin—ang makatulong sa kapwa at makapagbigay ng pag-asa sa mga komunidad na nangangailangan sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga programa ng PARC Foundation.

Upang maisakatuparan ang makabuluhang aktibidad na ito, nagsama-sama ang iba’t ibang kompanya sa ilalim ng Guido Group, kabilang na ang Globaltronics at Dunham-Bush, na buong pusong nagbigay ng suporta para sa mga manlalaro, organizers, at sponsors.

Bilang pasasalamat sa mga lumahok, nagbigay rin sila ng mga LED spot lights bilang espesyal na regalo sa mga sumuporta sa programa.

Ayon kay Mr. William Guido, Chairperson at CEO ng Globaltronics, Inc., ang tunay na sukatan ng isang tao ay hindi ang dami ng kaniyang pera, bagkus kung gaano kabusilak ang kaniyang puso para sa kapwa.

“Hindi nasusubok ang tao sa kaniyang yaman, kundi sa kaniyang kakayahang makiisa at magmalasakit sa iba. Ang tunay na tagumpay ay makikita sa mga pusong nagkakaisa para sa isang mabuting layunin.”

Ang Unity Soft Tip Dart Tournament ay patunay na ang sports ay hindi lamang tungkol sa panalo at pagkatalo—ito ay isang makapangyarihang instrumento upang pag-isahin ang mga tao, bumuo ng pangmatagalang pagkakaibigan, at maghatid ng inspirasyon sa komunidad.

Sa bawat tira ng dart, may layunin itong tumama hindi lamang sa target—kundi pati sa puso ng bawat Pilipinong naniniwala na ang pagkakaisa ay may kapangyarihang magbigay ng pag-asa at inspirasyon sa kapwa.

Taos-pusong nagpapasalamat ang Guido Group of Companies sa lahat ng sponsors, players, partners, at supporters na naging bahagi ng naturang makasaysayang event. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang mga sumusunod na website:

• MettaCity – www.MettaCity.com.ph

• Globaltronics – https://globaltronics.net

• Dunham-Bush – https://dunham-bush.com

(PR)

Popular

PBBM: Balanga Green Mobility Hub to kick-off nationwide transition towards sustainable mobility

By Dean Aubrey Caratiquet With geopolitical tensions in the Middle East and the ensuing global energy crisis accelerating the shift away from fossil fuels towards...

PBBM reaffirms respect for BARMM Parliament’s autonomy

By Dean Aubrey Caratiquet Reinforcing his support for long-lasting peace in Mindanao, President Ferdinand R. Marcos Jr. reiterated his respect for the Bangsamoro region’s autonomy...

PBBM hails 46-medal haul of Filipino fencers at 2026 SEAFF Championships

By Dean Aubrey Caratiquet With a renewed focus on sports, the administration maintains its steadfast commitment to supporting Filipino athletes and providing them with adequate...

Malacañang urges Filipinos to take water conservation efforts seriously

By Dean Aubrey Caratiquet “Bumili na kayo ng balde para kapag umulan, makolekta na ninyo lahat .” Amid the backlash dished out against President Ferdinand R....