By Racquel Bayan | Radyo Pilipinas
Umakyat na sa 263,932 ang bilang ng mga kabataang 5 to 11 years old ang nabakunahan na kontra COVID-19 sa nagpapatuloy na Resbakuna Kids program.
Sa briefing ng Laging Handa ngayong araw (Peb. 17), sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na mula sa bilang na ito, walo lamang sa mga ito ang nakaranas ng non-serious adverse events.
Kabilang na rito ang nakaranas ng pamamantal, pangangati ng lalamunan, nagsuka, at nilagnat.
Sa kasalukauyan, nasa 55,000 na aniya ang average daily jabs na nagagawa ng pamahalaan para sa age group na ito.
Kaugnay nito, nagpaalala naman ang opisyal sa mga local government unit (LGU) kaugnay sa kanilang pediatric vaccination na isaalang-alang na limitado pa rin ang mga bakuna para sa mga ito. (Radyo Pilipinas)
-ag