KWF, maglulunsad ng 22 aklat

Ilulunsad ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa Dis. 16 ang 22 aklat na may kaugnayan sa wika, lingguwistiko, at iba pang paksa; mga manwal sa pagsusulat; at mga tula, dula, maikling kuwento, at iba pang anyo ng panitikan.

Ayon sa ahensiya, ang paglalathala ng mga publikasyon ay isang paraan ng pagtatanghal sa kapasidad ng wikang Filipino bílang wika ng malikhain at intelektuwal na gawain. Isang paraan ito ng pag-iimbak ng karunungan sa iba’t-ibang disiplina na Filipino ang wika sa pagsulat at saliksik.

Nakatuon ang KWF sa pagpapalaganap, pagpapaunlad, at pagpapayaman ng wikang Filipino.

Ang ilulunsad na mga aklat ay ang:

  1. Babasahing Pangkasarian (Moreal Camba, editor) 
  2. Bungsod nga Gipangguba (Sulpicio Osorio)
  3. Lingguwistikong Etnograpiya (Wikang Asi)
  4. Lingguwistikong Etnograpiya (Wikang Bikol)
  5. Lingguwistikong Etnograpiya (Wikang Iguwak) 
  6. Birtuwal: Mga Bago at Piling Tula (Gerome Dela Peña) 
  7. Ugnayan: Kaisipan, Kalinangan, Lipunan (Voltaire Villanueva)
  8. Nananalamin: Tatlong Dulang Sumasalamin sa Kontemporaneong Pamilya (Sonny Valencia)
  9. Mahiwagang Bulong sa Sinapupunan ng Himpapawid (Raul Funilas)
  10.  Cubao Ilalim: Unang Aklat (Tony Perez)
  11.  Labas: Mga Dula sa Labas ng Sentro (Reuel M. Aguila)
  12.  Diskors Pangmidya at Literatura (Teresita Fortunato)
  13.  Batang Mandirigma at Lima pang Dula (Arthur P. Casanova)
  14.  Mga Kuwentong-bayan ng Timog Cordillera (Jimmy B. Fong)
  15.  Problemang Mindanao: Ugat at Pag-unawa (Abraham P. Sakili)
  16.  Manwal ng Bahay-wika
  17.  Padayon sa Pagtindog (John Iremil Teodoro, ed.)
  18.  Patnubay sa Korespondensiya Opisyal
  19.  Kalipunan ng mga Dulang Akdang Mindanawon (Arthur P. Casanova)
  20.  Kulintangan at Gandingan (Mubarak M. Tahir)
  21.  Margosatubig (Ramon Muzones)
  22.  Mga Salawikaing Pampolitika (Sheilee Vega)

Gaganapin ang paglulunsad ng 9:00–11:00 n.u. sa Bulwagang Romualdez, Komisyon sa Wikang Filipino, 1610 Kalye J.P. Laurel, Malacañang Palace Complex, Lungsod Maynila. 

Ang paglulunsad ng aklat ay pangungunahan ng Sangay ng Edukasyon at Networking sa pangangasiwa ni G. Jomar I. Cañega.  Para sa iba pang mga impormasyon hinggil sa gawaing ito, maaaring makipag-ugnayan kay G. Rolando T. Glory sa #0908-766-3290 o mag-email sa rolandoglory1@gmail.com.

Ang paglulunsad ng aklat ay mapapanood ng live sa opisyal na FB page ng Radio Television Malacañang (RTVM), National Commission for Culture and the Arts, at Komisyon sa Wikang Filipino. (KWF) – jlo

Popular

DBM: Qualified gov’t employees to receive mid-year bonus starting May 15

By Brian Campued Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman announced Thursday that qualified government employees—including regular, casual, and contractual employees, as well...

PBBM inks legislation boosting child care from birth

By Dean Aubrey Caratiquet The first few years in the life of a child are considered as the critical period during which utmost care must...

PBBM inks measure amending ‘doble plaka’ law

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. has signed a law amending Republic Act (RA) No. 11235 or the Motorcycle Crime Prevention Act to...

‘Hindi lamang pang-eleksiyon’: 32 Kadiwa outlets to sell P20/kg rice starting May 15 — Palace

By Brian Campued As directed by President Ferdinand R. Marcos Jr., at least 32 Kadiwa outlets across Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, and Oriental...