KWF, naglunsad ng 12 aklat tampok ang kultura ng mga Pilipino

Tampok ang kultura ng bansa at galing ng mga Pilipinong manunulat sa inilunsad na 12 aklat ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ngayong Miyerkules (Agosto 18).

Sa isang virtual ceremony, isa-isang pinakilala ng KWF Publikasyon ang mga may likha nito, na nagbahagi rin ng mga nilalaman ng kani-kanilang akda.

“Binibigyang-diin ng mga aklat na ito ang ating kultura at wika mula po sa iba’t-ibang mga kultural na pamayanan. Nariyan po ang kwentong bayan ng mga Surigaonon, nariyan din po ang tungkol sa wika ng mga Bikolnon, at syempre, nariyan din po ang isang akda hinggil sa mga Cebuano,” ani Dr. Arthur Casanova, ang tagapangulo ng KWF.

Ang inilunsad na mga aklat ay ang mga sumusunod:

  • Paglalaping Makadiwa sa Sinugbuanon’g Binisaya (Lita A. Bacalla)
  • Alaala ng mga Pakpak (Mariel G. Balacuit at Eugene Y. Evasco)
  • Antolohiya ng mga Kuwentong-bayan ng Surigaonon (Aisah B. Camar)
  • Mga Drama para sa Dulaang Pambata
  • Mga Dula para sa Teatrong Pambata (Arthur P. Casanova)
  • Tawid-diwa (Dexter B. Cayanes)
  • Tira Bakal (Christian M. Fajardo)
  • Pananalig sa Bata (Wenny F. Fajilan)
  • Mga Dula ni Njel de Mesa (Njel de Mesa)
  • Mga Dula ni Severino Montano (Severino Montano; Lilia F. Antonio)
  • Introduction to Bikol: A Bikol-Legazpi Language Book for Filipinos and Foreigners (Angela E. Lorenzana)

Ayon sa KWF Publikasyon, ang paglulunsad ng mga aklat na ito ay isang pamamaraan upang mapalaganap ang mga “karunungan mula sa mga dalubhasa sa wika na kabilang sa iba’t-ibang institusyong pangwika, pangkultura, at pang-edukasyon.”

Ipinagdiriwang ng bansa tuwing Agosto ang Buwan ng Wika, na ngayong taon ay may temang “Filipino at mga Katutubong Wika sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino.” – Ulat ni Mela Lesmoras / CF – jlo

Mapapanood ang virtual ceremony ng Paglulunsad ng mga Aklat dito:

Popular

Malacañang orders gov’t agencies, LGUs to ramp up El Niño preparations

Malacañang has directed government agencies and local government units (LGUs) to intensify preparations for a stronger El Niño to ensure adequate supplies of water,...

First Couple hails craftsmanship, talent in Filipiniana showcase of Filipino designers, weavers

By Dean Aubrey Caratiquet In a celebration of local talent and the country’s rich culinary heritage, the First Couple and former First Lady Imelda Marcos...

Underemployment rate decelerates in Sept 2026 Labor Force Survey

By Dean Aubrey Caratiquet In a press conference on Friday, National Statistician Claire Dennis Mapa shared the results of the September 2026 Labor Force Survey,...

PBBM leads ceremonial turnover of DRRAP funds to LGUs; warns local execs vs. corruption

By Dean Aubrey Caratiquet Reaffirming the administration’s unwavering support to local government units (LGUs), President Ferdinand R. Marcos Jr. continues to move forward with initiatives...