Lakas-CMD, handang suportahan si Sara Duterte sakaling tumakbo

Suportado ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) si Davao City mayor Sara Duterte, sakaling magdesisyon itong tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2022 national elections. 

 Ito ang inanunsyo ni House Majority Leader Martin Romualdez na president ng Lakas-CMD, na pinamumunuan ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo bilang president-emeritus.

 “If Mayor Sara Duterte decides to seek higher office for 2022, we are ready to work for her victory in the coming election,” ani Romualdez.

 Isang resolusyon ang pinagtibay kanina ng partido Lakas upang paigtingin ang kanilang alyansa sa Hugpong ng Pagbabago (HNP) na partido ni Mayor Sara. Sinabi ni Romualdez na hindi nila pangungunahan ang alkalde at ang kanyang partido.

 Sa isang hiwalay na pahayag, sinabi ni Sara Duterte na hindi niya nalalaman ang detalye ng pakikipag-usap ng ilang miyembro ng HNP sa ilang national officials para sa eleksyon.

 “I am not privy to these discussions, but I was told that the meetings are about my candidacy for the presidential race in 2022. I was assured that everyone involved in these talks will respect my decision if I decide against running for President,” aniya.

  Ayon sa isang political analyst, maaaring mag-benepisyo ang alkalde sa ginagawang panliligaw ng ilang partido at pulitiko.

 “Anytime na may partido na nagbibigay ng endorsement sa isang kandidato, gain ‘yan para sa kandidatong ‘yun,” ani Prof. Ramon Casiple.

 Samantala, wala pang desisyon si Romualdez kung tatakbo siyang bise presidente sa kabila ng suporta sa kanya ng kasalukuyang pangulo.

 Aniya, mag-uusap din sila ng kanyang pinsan na si dating senador Bongbong Marcos na maugong din na tatakbo sa eleksyon. – Ulat ni Daniel Manalastas/AG- jlo

Popular

Taal Lake site assessment yields sack containing ‘bones’ — DOJ

By Brian Campued The Department of Justice (DOJ) confirmed that authorities retrieved a sack containing burned remains believed to be human bones during the initial...

LTO integrates online driver’s license renewal system in eGovPH app

By Dean Aubrey Caratiquet The Land Transportation Office (LTO) has integrated the online driver’s license renewal in the eGovPH app, which ensures a fast and...

5 of 21 Filipinos in Houthi-hit ship in Red Sea rescued — DFA

By Joyce Ann L. Rocamora and Marita Moaje | Philippine News Agency Five of the 21 Filipino seafarers manning the cargo vessel Eternity C, which...

PBBM directs gov’t officials: Focus on work, avoid politicking

By Dean Aubrey Caratiquet At the Malacañang press briefing this Wednesday, July 9, Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary and Palace Press officer Claire Castro reiterated...