Ipinatutupad ang liquor ban sa buong lalawigan ng Laguna ng pamahalaang panlalawigan kasabay ng pagsasailalim nito sa Alert Level 3.
Ayon sa opisyal na pabatid ni Laguna Governor Ramil Hernandez, ang pagsisilbi at pagkonsumo ng alak sa mga commercial establishment at pampublikong lugar sa lalawigan ay ipinagbabawal.
Aniya, maaari lamang ang pag-inom ng alak sa loob ng sariling tahanan, at limitado sa mga naninirahan dito.
Mahigpit na ipnagbabawal din ang pag-iimbita ng mga bisita o panauhin para sa mga inuman o anumang okasyon.
Idinagdag pa ng gobernador na ang pagbebenta at distribusyon ng alak ay pinapayagan alinsunod sa mga kondisyong nabanggit at tanging ang mga 21 taong gulang o higit pa lamang ang maaaring bumili ng alak. (Radyo Pilipinas) – ag