Mahigit 49k APOR na ang naka-libreng sakay sa MRT-3 simula kahapon

Nasa kabuuang 49,953 mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) ang nakatanggap ng libreng sakay mula sa pamunuan ng MRT-3 kahapon, ika-4 ng Agosto 2021.

Kinakailangan lamang ipakita ng pasahero ang vaccination card at ID, katulad ng company ID, na nagpapatunay siya ay kabilang sa APOR na maaaring lumabas sa pampublikong lugar na itinakda ng IATF.

Ang mga APOR na nakapagpabakuna ng first o second dose ay kwalipikado upang makatanggap ng libreng sakay.

Magtatagal ang pagbibigay ng libreng sakay para sa mga APOR hanggang ika-20 ng Agosto 2021.

Ang inisyatibong ito ay direktiba ni DOTr Sec. Art Tugade upang hikayatin ang mga pasahero na magpabakuna at matulungan ang mga ito sa pagbiyahe sa panahon ng pandemya.

Popular

Palace unfazed by various threats vs. PBBM admin

By Dean Aubrey Caratiquet “Para sa mga fake news peddlers, abangan ang susunod na kabanata.” A Malacañang official uttered this statement not only to dismiss speculations...

Palace clears air on Zaldy Co developments

By Dean Aubrey Caratiquet With President Ferdinand R. Marcos Jr.’s earlier announcement about the reported apprehension of former Ako Bicol partylist Representative Zaldy Co continuing...

PBBM expands rice aid rollout to Capiz farmers, vulnerable groups

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Monday led the distribution of rice assistance to farmers and vulnerable...

Up to 44°C ‘danger-level’ heat index expected in some areas Tuesday—PAGASA

By Dean Aubrey Caratiquet “Payong, kaibigan.” As the month of April comes to a close, mercury levels continue to rise as some areas in the Philippines...