Major roads sa Cebu City 90% ng passable, matapos ang clearing operations

By Angelie Tajapal | Radyo Pilipinas

Nasa 90 percent na ang madadaanan o passable na ang mga major road sa Cebu City, makalipas ang apat na araw mula ng hagupitin ng bagyong Odette ang Cebu.

Ayon kay Councilor Jery Guardo, Chairperson ng Committee on Infrastructure ng Cebu City Council, cleared na halos ang mga kalsada mula sa mga nakaharang na sanga ng mga naputol at natumbang punong kahoy.

Pansamantala muna nilang nilagay sa gilid ng daan ang mga naipong sanga at dahon ng kahoy. Nakahilera rin sa daan ang tambak na mga basura.

Ayon kay Councilor Guardo, target nilang malinis ang mga major road ngayong linggo at mahakot na rin ang mga nakatambak na basura sa daan.

Isusunod na rin nila ang inner roads, na hanggang ngayon ay may mga nakaharang pa rin na mga natumbang puno at poste ng kuryente.

Ipinaliwanag nito, na naging mabagal ang unang dalawang araw ng clearing operation, dahil halos lahat ng mga kawani ng city hall ay naapektuhan rin ng bagyo.

Nanawagan rin ang opisyal ng pang unawa sa publiko, at aniya kung maari ay magtulungan na lamang kahit man lang sa ginawagang clearing operations. (Radyo Pilipinas) -rir

 

Popular

Teodoro warned military takeover would bring consequences similar to Myanmar

By Patrick de Jesus | PTV News Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. warned that a military takeover would bring more consequences for the Philippines. This comes...

PBBM vows continued 4PH expansion

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Thursday reiterated his administration’s commitment to provide every Filipino family with a safe, decent, and affordable...

Palace questions credibility of citizen complaint submitted to ICI

By Dean Aubrey Caratiquet On the heels of the Independent Commission for Infrastructure’s (ICI) receipt of a letter of sentiment from a private citizen on...

PBBM hails dedication to public service of 2025 Metrobank Foundation Outstanding Filipinos awardees

By Dean Aubrey Caratiquet “They remind us that integrity and excellence must be at the heart of the work that we all do.” Amid the various...