Militar, naka-alerto sa pag-atake ng Abu Sayyaf sa mga kampo sa Sulu

Inaabangang na ngayon ng mga pwersa ng pamahalaan sa lalawigan ng Sulu ang possibleng pag-atake ng mga Abu Sayyaf sa mga kampo ng militar.

Ito’y kasunod sa ginawang pangha-harass ng mga teroristang Abu Sayyaf sa kampo ng 32nd Infantry Battalion na nakabase sa Barangay Taglibi, Patikul, Sulu noong bisperas ng Pasko na ikinasugat ng apat na sundalo at isang sibilyan.

Ayon kay Joint Task Force Sulu Commander Brigadier General Cirilito Sobejana ipinag-utos niya sa mga tropa na palakasin ang kanilang mga defensive positions para maitaboy ang anumang pag-kilos ng mga kalaban.

Possible kasi aniyang samantalahin ng Abu Sayyaf ang holiday season para mag-surprise attack sa mga sundalo kaya’t naka-alerto ang lahat ng kanilang mga kampo.

Sinabi ni Sobejana na maaring paghihiganti ang motibo ng mga bandido dahil karamihan sa kanilang mga kasamahan ay nagbalik-loob na sa gobyerno.

Tiniyak naman ng Heneral na sa kabila ng holiday season ay tuluy-tuloy pa rin ang focused military operation ng militar kontra sa Abu Sayyaf sa probinsiya ng Sulu. | (Leo Sarne/Radyo Pilipinas)

Popular

85% of Filipinos express distrust in China—OCTA survey

By Dean Aubrey Caratiquet Majority of Filipinos across socio-economic classes and across the archipelago declared sentiments of disapproval against China on multiple facets, according to...

PH, Australia to seal defense cooperation pact in 2026

By Priam Nepomuceno | Philippine News Agency The Philippines and Australia on Friday signed a statement of intent to pursue a Defense Cooperation Agreement that...

Iconic ‘70s ‘Love Bus’ returns in Metro Cebu, Davao City

By Brian Campued The nostalgia is strong in the air as the iconic “Love Bus” from the 1970s is finally revived and now plies the...

Gov’t ramps up interventions for Tropical Depression ‘Isang’

By Brian Campued The National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) raised the blue alert status on Friday to monitor the possible effects of...