Nasawi sa bagyong Odette, umakyat sa 208 sa huling tala ng PNP

By Leo Sarne | Radyo Pilipinas

Umakyat na sa 208 ang mga napaulat na bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Odette.

Batay ito sa consolidated report ng Philippine National Police Operation Center ngayong alas-6 ng umaga.

Pinakamaraming nasawi sa Central Visayas na 129.

Sinundan ng CARAGA na may 41 nasawi at Western Visayas na may 24 na nasawi.

Nasa pito naman ang nasawi sa Northern Mindanao, anim sa Eastern Visayas, at isa sa Zamboanga Peninsula.

Kasama sa mga dahilan ng pagkasawi ang pagkalunod, nabagsakan ng puno at debris at pagkabaon sa gumuhong lupa.

Samantala, nakasaad din sa datos ng PNP na 239 ang nasaktan dahil sa bagyo habang 52 naman ang nawawala at patuloy pang hinahanap. (Radyo Pilipinas)-rir 

Popular

Gov’t remains ‘relentless’ in supporting PH Air Force — PBBM

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. reaffirmed his administration’s continued support to the Filipino airmen and airwomen as the Philippine Air Force (PAF)...

PBBM ‘rings’ CMEPA into effectivity

By Dean Aubrey Caratiquet Investments serve as the lifeblood of a successful and progressive nation, paving the way for an economy that adopts to the...

‘Best is yet to come’: PBBM rallies Alex Eala after WTA finals debut

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency On Sunday, June 29, President Ferdinand R. Marcos Jr. offered words of encouragement to tennis sensation Alex...

DOH opens online mental health support for Filipinos in Israel

By Joyce Ann L. Rocamora | Philippine News Agency The Department of Health (DOH) is extending psychosocial support to overseas Filipinos in Israel affected by...