“No Movement Sunday”, isinagawa sa iba’t ibang lugar sa bansa

Nagpatupad ng “No Movement” ngayong Linggo (Hunyo 6) ang iba’t ibang lugar sa bansa gaya ng Cotabato City, Kidapawan City, at Zamboanga Sibugay, bilang pakikiisa sa pagtutulungan upang mabawasan ang mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa Cotabato City, sarado ang lahat ng mga establisyemento maliban sa mga botika at drugstores na maituturing na isang mahalagang pangangailangan ng tao.

Nagsagawa rin ng inspeksyon ang mga pulis sa mga checkpoints habang pinapatupad ang isang buong araw na “No Movement Sunday”.

Wala ring mga taong makikita sa lansangan sa bayan ng Zamboanga Sibugay, maging sa mga tindahan at palengkeng pansamantalang ipinasara.

Ito ang unang linggo ng pagpapatupad ng naturang hakbang sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa mga bayan ng Ipil, Kabasalan, at Siay, at pangalawang linggo na sa Kidapawan City.

Tanging mga bus lamang na may sakay na Authorized Person Outside Residence (APOR) at mga sasakyang ginamit ng Compliance Monitoring and Observation ang pinayagang bumagtas sa mga lansangan.

Samantala, sampung katao ang hinuli dahil sa paglabag sa curfew kagabi (Hunyo 5) at limang iba pa ngayong araw dahil ang mga ito ay gumagala ng walang dahilan.  – Ulat ni Imee Dizon / CF-rir

Popular

Malacañang urges caution on calls to expel Chinese envoy

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency Malacañang on Wednesday acknowledged calls for action against Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan over his...

Malacañang: Armed group sheltering Sen. dela Rosa a threat to nat’l security

By Dean Aubrey Caratiquet After several months of manhunt operations, authorities said that they have already identified the whereabouts of Senator Ronald “Bato” dela Rosa,...

Malacañang presses probe into reported Atong Ang escape

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency Malacañang on Wednesday called for an investigation into possible lapses in law enforcement after Interior Secretary Jonvic...

PBBM, Japan reaffirm bilateral ties, regional cooperation

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. and Japanese Prime Minister Sanae Takaichi on Tuesday reaffirmed their commitment to...