Nakumpiska ng Bureau of Customs (BoC) ang may P150 milyong halaga ng iba’t-ibang kagamitan, kabilang ang mga hindi rehistradong face mask, sa Binondo nitong Mayo 5.
Ang ikinasang operasyon ay bahagi pa rin ng pinaigting na kampanya ng BOC kontra smuggling.
𝗕𝗢𝗖-𝗠𝗜𝗖𝗣 𝗔𝗽𝗽𝗿𝗲𝗵𝗲𝗻𝗱𝘀 𝗩𝗮𝗿𝗶𝗼𝘂𝘀 𝗜𝘁𝗲𝗺𝘀 𝗜𝗻 𝗕𝗶𝗻𝗼𝗻𝗱𝗼
As part of intensified efforts against smuggling and counterfeiting, the…
Posted by Bureau of Customs PH on Friday, May 7, 2021
Maliban sa mga hindi rehistradong face masks, nasabat rin ang ilang cosmetic o beauty products, face shields, mga damit, at mga laruang pambata.
Binigyang diin ng BoC na siguraduhing authentic ang mga face mask at iba pang personal protective equipment para sa kaligtasan at kalusugan ng mga gumagamit nito.
Samantala, nakumpiska naman nitong Mayo 7 ang isang 40-foot container van na may misdeclared cigarettes na nagkakahalaga ng P20.37 milyon. – PTV News/AG-RIR
