Muling iginiit ng isang eksperto na ligtas ang lahat ng bakunang dumarating sa bansa.
Sa Laging Handa public briefing ngayong Martes (Mayo 11), sinabi ni Dr. Isagani Padolina ng Pascual Pharma Corporation na lahat ng bakuna na nabigyan ng emergency use authorization (EUA) ay dumaan sa masusing pag-aaral ng Food and Drug Administration (FDA) at ng Department of Health (DOH), kung kaya’t makakaasa ang tatanggap ng bakuna na ligtas at epektibo ito.
“So in-encourage ko iyong mga nakikinig na ang pinakamagandang bakuna ay iyong bakuna na available ngayon na maibibigay sa inyo,” he said.
“Huwag na po kayo mamili, kasi lahat naman po iyan ay in-approve ng FDA ay dumaan sa mabusising proseso na headed by DOH at saka DOST [Department of Science and Technology]. So kampante po kayo na makakatulong po iyan, lalo na ngayon na medyo nagsa-suffer na iyong ating economy.”
Aniya, kapag maraming tao ang mababakunahan, maiiwasan ang malalang epekto ng COVID-19, at maiiwasan ang siksiksan sa mga pagamutan.
“In general, doon sa vaccines, mayroon na tayong mga more than 300 million vaccinated people globally. So, mga nasa more than one billion doses iyon na nabigay na. Wala naman tayong nakikitang malalaking events na nag-a-outweigh ang benefits versus risks noong vaccine,” dagdag ni Padolina.
Report from Ryan Lesigues/NGS-jlo