Pagpapabakuna ng second dose ng COVID-19 vaccine, mariing isinusulong ng mga eksperto

By Christine Fabro

Ayon sa ilang pag-aaral, mas mabisa ang bakuna kapag mas mahaba ang pagitan ng pagbibigay ng second dose sa isang indibidwal, ngunit hindi dapat tumagal ng tatlong buwan ang pagitan ng pagkumpleto ng bakuna kontra COVID-19.

Sa isang panayam kay Vaccine Development Expert Panel Head Dr. Nina Gloriani sa Laging Handa public briefing nitong Sabado (Hunyo 12), ipinaliwanag niya na nagkakaroon ng panahon ang katawan na makapagparami ng antibodies laban sa sakit na COVID-19 ang pagkakaroon ng ilang linggong pagitan bago muling magpabakuna.

Ngunit, igininiit ni Gloriani na hindi dapat masyadong mahaba ang pagitan ng pagtanggap ng bakuna.

“Mayroon tayong mga B cells na nagiging plasma cells na siyang gagawa noong antibodies. You are giving them more time to produce more antibodies kaya tama iyong sabi na mas mahaba. Pero hindi po puwedeng sobrang haba din kasi hindi rin maganda iyon,” ayon kay Gloriani.

“As soon as ma-realize nila na medyo nahuhuli na sila, bumalik na po doon sa vaccination centers at magpabakuna,” dagdag nito.

Pinaalalahanan ng eksperto ang mga indibidwal na kumpletuhin ang dalawang doses ng COVID-19 alinsunod sa itinakdang interval ng pagpapabakuna.

“Hindi naman po uulitin iyong first dose, pero mabuting makapunta sila agad although hindi sila dapat mabahala kung mga dalawang buwan, tatlong buwan, ay hindi pa naman magiging problema po iyon. So as soon as possible, magpabakuna ng second dose po,” aniya.

Sa kasalukuyang suplay ng bakuna sa bansa, ang AstraZeneca ang isa sa may pinakamahabang pagitan upang mabakunahan ng second dose. Ito ay tumatagal ng hanggang 12 na linggo.

“Sa aming tingin, this is already an immunologic principle. Iyong one month ay mabuti nang pagitan doon sa dalawa. Kaya nga iyong sa AstraZeneca, iyon daw period niya ay one to three months… Pero iyong sa one month po, mataas na ang lebel ng antibody doon. So, sasabihin natin nasa protective level na. Sufficient na po iyon para makapagbigay ng proteksyon,” saad ng eksperto.

Kabilang din sa mga pinag-aaralan ngayon ng Philippine Society of Allergy, Asthma, and Immunology ang paghahalo ng mga bakuna para sa first at second dose na may pagitan ng isang buwan na pagtuturok sa isang indibidwal.

Samantala, kinakailangan pa rin aniyang maiparating sa mga indibidwal na hindi sapat ang proteksyong makukuha sa first dose ng bakuna kaya’t mahalaga ang pagkakaroon ng second dose.

Kaugnay naman ng mga bakunang inaprubahang ligtas gamitin para sa mga mas nakababata, saad ni Gloriani na mas mataas ang antibodies ng mga bata edad 12 hanggang 15 taong gulang kaya’t magiging maganda ang pagtugon ng kanilang katawan kung sakaling sila ay mabakunahan na. – rir

Panoorin ang buong ulat:

 

Popular

Discayas reveal names of politicians allegedly involved in anomalous flood control projects

By Dean Aubrey Caratiquet At the Senate Blue Ribbon Committee hearing on anomalous flood control projects this Monday, husband and wife entrepreneurs Pacifico “Curlee” Discaya...

PBBM inks law declaring protected areas in Tarlac, Southern Leyte

By Dean Aubrey Caratiquet Recognizing the need to protect landscapes and ecosystems from human activity and urban encroachment, President Ferdinand R. Marcos Jr. has signed...

Palace hits Discayas over ‘misinformation’ on PH film center project

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency Malacañang on Saturday slammed the camp of contractor couple Cezarah “Sarah” and Pacifico “Curlee” Discaya for claiming...

Eala reaches Guadalajara 125 Open finals

By Jean Malanum | Philippine News Agency Filipino tennis ace Alex Eala reached the Guadalajara 125 Open finals after beating American Kayla Day, 6-2, 6-3,...